Usapang Pera

Hello mga mommies. Curious lang po ako kung binibigyan kayo ng hubby nyo ng pera tuwing sumasahod sila? Share ko lang din po iniisip ko. Both working kami ng hubby ko. Every 15 abg sahod namin. Estimate na salary is 8k each. Eto po ang break down ng sahod nya: 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga) 2000 budget nya sa work Excess sa mama nya na Eto po budget ko sa sahod ko 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga every sahod po tig 3k kami) 2000 grocery sa bahay since wfh ako 1900 wifi Excess savings namin. Hindi po kasi ako kasali sa budget ni hubby kaya medyo masakit din dahil ako ang asawa nya pero mas nauuna nya pa ibigay ang pera sa mama nya. Kahit po ang budget bya para kay baby di nya po ibibigay kubg hindi ko hihingiin 😔 Ang sakin po okay lang naman po sya magbigay sa mama pero wag naman po lagi (?) Tama po ba? Ilang beses ko na po inoopen sakanya kaya labg dedma lang sya. Nahihirapan po kasi ako magipon. Ang sabi nya noon bago kami ikasal mag iipon kaming dalawa para sa bahay namin (nakatira po kami ngayon sa parents ko medyo nahihiya narin ako kasi tinatanong na din ako nila mama kung kailan namin balak magpabahay.) Any suggestion po or ways para mas mapag usapan namin ng maayos ang hatiaan sa sahod or tama na po yung gantong set up? Please help po. Wala pa kaming sariling bahay neto pano nalang kung bumukod po kami parang ako lahat gagastos 😔

83 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Di din ako binibigyan ni hubby ng pera pero ok lang since both working kami. Nakatira kami sa parents ko. Nag sshare kami 12k/mo. Gastos kay baby. Also, nag ssave din kami for us.

ako namn lahat ng sahod nia binibigay niya sa akin, kahit oiso d un nagtitira sa sarili niya, lagi nia reason wala namn dW sya paggagastusan hihingi lang sya kung papasok na

4y ago

Same po Tau sis even c hubby lng ngwwork skin nmn Nia pinapahawak atm nia.at hihingi lng din xa pag papasok n xa pambili ng gas ng motor at pang ulam Nia.

Hirap Naman niyan mommy :( Gusto ko lahat ng sahud ni hubby nasakin kasi mas alam ko lahat ng gastusin. Nagbibigay din kaming dalawa sa parents namin. M

halos lahat po binibigay saken ni hubby super bait nya at very vocal sya kung magkano pera meron sya. kahit hinfi ako manghingi binibigyan nya ko.

binibigay nya saakin lahat ng sahod nya nahinge na lang sya ng pang baon sakin..at yung pera ko naman di nya pinakekealaman bahala na ako..

Before we got married nasa akin na yung ATM niya. So any gastos he informs me so that we can give both our parents pag may need.

TapFluencer

Wag mag isip nang Ganun mommy. Isipin mo nalng na Gaya niya Rin ang gagawin nang anak niyo sa inyo pag tumanda na kayo..

Lahat ng pera ng bf ko sakin napupunta. Kahit di ko hiningi basta pag kuha niya ng sahod niya bigay agad sakin

Yan ang hirap kapag ang husband hindi naintindihan yung vows nung kasal na sya ang mag-e-earn para sa family :(

Sakin po lahat binibigay ni hubby, nanghihingi nalang po sya pang everyday baon nya or pang gas😁

Related Articles