Tiktok. Dapat ba ako mag worry?
Hi, mga mommies. Curious lang ako and I need your point-of-view. Browse ko ang cellphone ni hubby. Aware ako na may tiktok account siya. Minsan nanunuod kaming dalawa sa mga reels (?) ng tiktok. Now, while browsing. Pumunta ako sa inbox niya. Way back august 2023, meron siyang chinat na girl Heto ang convo Him: pls accept. Girl: give me your whole username para accept ko. Him: ******* Girl: ok na po (with a heart emoji) Him: mag live ka ba mamaya? Girl: maybe. ----- end of convo ------- So, tinignan ko ang profile ni girl (take note: STRANGER si girl). Ang mga reels niya ay inappropriate e.g. showing too much cleavage, dancing erotically, wearing a loose tshirt na walang undergarments sa loob. Typically na mga reels na sexy. Pero hindi na umulet siya na mag message sa kanya. Then, tinigan ko din ang "following" niya. Siguro less than 5 na accounts ay mga profile na mga girls na ang reels ay sexy. Hindi ko alam ano ma-feel ko. Stay at home mother ako. May preschooler na kaming anak. Isa palang ang anak namin. Gusto ko siya i-confront about this, pero inisip ko baka napaka immature ko or inconsiderate ako or masyado ko na pinapakealaman ang mga socmed niya. Inisip ko baka normal lang toh sa mga lalake na mag follow sa mga sexy na babae. Ano po sa tingin niyo? Ano gagawin niyo? Ano sasabihin niyo? Thanks po sa sasagot. #tiktok #advicepls