All About Religion
Hello mga mommies, Catholic ako si LIP ay INC di ko alam kung anong path o religion si baby since lahat kami sa family catholic ayoko naman lumaki si baby na walang religion kasj kapag INC ihahandog siya na tinatawag kaso sabi nila di daw pwede mahandog kasi di pa ako nadodoktrinahan. Any advice po? Salamat

I guess tiwalag na po ang partner mo kung may baby na po kayo at naglilive in. So technically, hindi na po sya member ng INC. Hindi po talaga maihahandog si baby. Unless padoktrina ka at mabautismuhan. Then sya magbabalik loob pa. Mahabang proseso pa yan chi. Lalo at hindi inasikaso ng partner mo. Might take years bago sya makapag balik. Kung option nyo na maghandog ng bata, hindi nyo pa yun magagawa. Pag usapan nyong maigi ng partner mo. Kung ayaw mo maging member ng INC dahil debotong katoliko ka, wag na lang gawing option na magpadoktrina ka, kasi hindi naman magandang nag INC ka lang dahil gusto ng partner mo, o dahil sa ibang reason. Dapat mag INC ka dahil natamnan ka ng pananampalataya. Pero hopefully, magkaroon ka ng chance mapakinggan ang aral. Suriin mo. Saka ka magdesisyon. For you and for the baby. P. S. Baka ibash o awayin pa ko ng mga naniniwalang wala sa religion yan. Kanya kanya po tayo ng paniniwala, kayo na rin nagsabi. Nanghihingi sya ng opinyon, nagbigay kayo, nagbigay lang din ako. Thanks.
Magbasa pa


