Baby's religion

Hi mommies! In need po ako ng second opinion. Magkaiba kasi kami ng religion ng partner ko. Ako, roman catholic at siya ay isang bornagain christian. Medjo may kasalanan din po kasi kami kasi 20 palang din po kami. So, hindi pa talaga kami independent. Ang sakin okay lang naman if bornagain christian ang baby kasi i believe no religion can save you, but your faith will. Pero yun nga, whoole family ko devoted catholic. sabi ng friend ko pwede daw ma binyagan sa both churches, TOTOO PO BA? Pwede ba talaga?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

same po tayo. pero baligtad naman. un partner ko po is catholic naman and halos lahat ng relatives niya at relatives ko catholic. pero ako tsaka un family ko born again christian. tho may kasalanan din kami kasi outside marriage kami eh. pero sa catholic ko nalang papa binyagan si baby as per tradition na din ng iba. si baby ko nalang bahala paglaki niya if anong magiging religion nya.

Magbasa pa

pwede mo naman sya pabinyagan sa catholic pero kung paglaki nya gusto nya ng born again pwede naman sya magpaconvert...pwede mo din itanung sa pastor kung pwede pa ihandog sa kanila pag nabinyagan sa catholic

VIP Member

Hi mommy. Ako personally roman catholic nakalagay sa birthcert ko at dun ako bininyagan nung baby ako pero born again christian na ako ngayon 😊

VIP Member

Same here sis.. Yung fam ko devoted din sa catholic, pabibinyagan ko si baby sa catholic at pag lumaki na sya, sya na mag decide if san sya..

VIP Member

Just choose a religion now for you baby. Pwede naman syang binyagan ulit sa ibang religion na gusto nya paglaki nya.

same tayo mamsh pero ako ang christian husband ko catholic pwede naman yun wala kaso dun 😊

VIP Member

Better to ask po yung simbahan mismo kung pwede yun.