101 Replies
depende po sa sensitivity ng pagbubuntis nyo. if you feel uncomfortable when riding a motor specially when you felt like it aches whenever it pass by any uneven roads, ibig sabihin may posibility po na bumaba ang tyan ninyo ng maaga at pwedeng mag lead sa maagang panganganak at around 7 to 8 months. Kaya ako po nag-leave na sa work nung magse-7 months na po tyan ko kasi hatid sundo din po ako ni hubbybng motor. Baka mapaaga po . Ngayon bedrest po ako kasi sobrang bumaba talaga si baby, at early 7 months po nasa puson ko na talaga sya at kahit magtaas ako ng paa kapagka nakahiga, hindi sya tumataas. Nakalapat na ang tyan ko sa mga hita ko kapagka naka upo ako na mostly mararanasan mo langbdapat yan pagka 37 weeks and above kapagka nagtatagtag ka maglakad pagka malapit ka na manganak. Yung sakin it's really too early pa po Kaya doble ingat po ako ngayon.
Pwede naman umangkas sa motor kahit buntis pero remember na buntis ka. Bawal na bawal kang sumemplang or magitla. Esp na nasa first trimester ka, mahina pa kapit ng baby kaya doble ingat. Nagmomotor naman ako (angkas or habal,) simula nung early pregnancy ko (hindi ko pa kasi alam na buntis ako, nalaman ko 10 weeks na si baby sa tyan ko) hanggang ika-36 weeks umaangkas pa din ako. Upong angkas pa talaga ko, yung nakabukaka kasi hindi ako marunong nung angkas na pangbabae haha grabe ako kapasaway nun 😂 Strictly kasi na bawal malate sa work ko kaya doble dasal na lang talaga 🤦
Definitely not safe, pero ako pasaway 😭 until 9months ko nakasakay pa ko sa motor at 3months nagdadrive pa ko. Papasundo pa nga ko noon manganganak na ko, sa motor kaso di na ko pinayagan 😂 Since sanay ako magmotor at pati ako nagmomotor okay lang sakin pero kung di ka po sanay mas okay wag kasi kahit ako kabado pa din ako, asawa ko nagdadrive maingat pero palagi ko pinagagalitan para doble ingat. Taga antipolo kasi kami puro taas baba at malayo sa bayan kaya main traspo namin motor talaga.
Di na po tayo pwede umangkas ng motor, sabi sakin yan ng OB ko the first time na nagpa check up kami sa kanya. If hindi pa po kayo nagpapa-OB, subukan niyo din itanong at iyan din ang sasabihin niya sayo. Baka po mamatay si baby sa loob nang hindi ninyo nalalaman, ganon po nangyari dun sa kapitbahay ng kaibigan ko. Buntis ng 6 months pero 3 months pa lang patay na si baby sa loob kaka-angkas niya ng motor.
Mahirap kasi baka makunan nang di nalalaman hehe. Better safe than sorry. 😊
ako po till 7mos nakasakay pa sa motor. medyo malayo din byahe papuntang sakayan ng bus kasi dun ako tumira sa bahay ni hubby. pero nubg mag8na, sa bahay na muna ako ng magulang ko kasi mas malapit sa sakayan ng bus. hibahatid patin ng motor pero hanggang gate nlng ng subdivision. natutulog nlng si hubby samin pag pang morning din ang sched nya sabay kami pumapasok
Ako po pinagbawalan ko ng partner ko nung 1 trimester. Yan kasi sabi nga matatanda even his cousins and relatives. After po sa first trimester ko nagpa ultrasound kami to know if anong lagay ni baby. Nung nlamn naming mababa ang matris ko pinahilot ko po. Mga 2 weeks after nagbackride na po ako. Pero maingat lang talaga kmi ni partner.
5 months preggy here at till now umaangkas pa din sa motor ni Mister. Bsta sabihan lang na wag mabilis magmaneho. and basta no bleeding or spotting I think okay lang. kc on my experience mas tagtag ako kpg samasakay sa jeep or tricycle dahil kung himaribas ang mga driver ganun nkng kahit kita nila may buntis silang pasahero.
10 weeks aq preggy now pero umaangkas parin aq sa motor... Minsan aq pa nag drive kc one time na nag commute aq sobrang nahirapan aq... Ung trike khit sabihin q na dahan2 lang hindi pa din maiwasan ung mga lubak kaya mas pinili q nalang na umaangkas kay hub kc alam q na mas nag iingat ung driver q kc sia ung tatay...
Ok lng nmn mga momsh Basta Hindi maselan Ang pagbubuntis mo para sken KC mas maingat pa pag umaangkas ako sa motor ni hubby kesa sumakay NG tricycle na walang pakundangan mag maneho(dko nmn nilalahat) na experience ko kc Alam NG driver na buntis ako pasahero nya pro dedma lng xa sa mga lubak sakit sa balakang pag baba☹️
tama..ako din..mas safe pa sa motor minsan..kc ung trike.mas matgtag..tapos wla pkialam driver khit bako bako ung daan.
Depende sa position ng bata sa tiyan at sa placenta mo....in my case until nine months akong nagmomotor as in ako talaga ang nagmamaneho...even sa huling araw ng pagbubuntis ko,may spotting na ako nagdadrive pa ako punta sa OB ko...ang importante hindi mababa placenta mo at di ka masyadong nagbubuhat ng mabigat...
Mommy Mae