please help
hello mga mommies! ask ko lang po first baby ko po ito bali mag totwo months palang po ang tyan ko ganon po ba talaga ang pakiramdam kasi parang wala pong laman ang tyan ko parang puro bilbil lang nakakapagduda po kasi hindi po ako nagsusuka sa umaga mas lalo wala po akong pinaglilihihan na food tipong lahat nmn kinakain ko .pero 2x na po ako nag PT postive namn po tapos pag matagal na akong nakatayo nasakit na puson ko ung prang rereglahin. salamat po sa sasagot


Isa-isahin po natin mga worries nyo po. Tila bilbil lang ang tyan: normal po yan kapag early sa pregnancy. Hindi po agad lumalaki ang tyan. Yung iba 6mos na pero mukhang busog lang. Depende po sa katawan ng tao and sa laki ng baby pero pag 1st trimester, hindi pa po talaga magshoshow yan. Hindi nasusuka and walang hinahanap na food: Di po lahat ng buntis may morning sickness. Swerte po kayo if wala. Iba-iba po ang pagbubuntis. Yung sa food, normally sa 2nd trimester po talaga nagtatakaw ang buntis. Sa time na yun naghahanap talaga panlasa natin kasi yun din yung time na mabilis na growth ng baby. 2nd trimester din po magsstart na mag-show na ang baby bump. Masakit ang puson na tila rereglahin: You need to get checked po by a doctor for this. Lalo na if di pa kayo nagpapacheckup simula nag-PT kayo. Dapat once na mag-positive sa PT, pacheckup agad kasi may mga vitamins na irereseta satin para sa proper development ni baby sa loob. Going back to your pain, that needs to be checked. Wag nyo na hintayin na duguin kayo. Also, if you want to confirm pa po your pregnancy, get a request from an OB to have a transvaginal ultrasound. Ayun po. Hope these help.
Magbasa pa