Sleeping Disorder at Napaka iyakin.

Hello mga mommies, ask ko lang kung meron ba dito may katulad ko na baby na mas mahaba ang gising kesa sa tulog? 1 month pa lang ang baby ko, pero napansin kong parang hindi sya antukin at madalas syang gising kesa matulog. Kahit nung newborn pa sya. Diba pag newborn mostly tulog lang sila ng tulog? Pero baby ko 8 - 12 hrs straight syang gising. As in iidlip lang ng 10- 15 mins tas gising ulit. Normal lang kaya yun? Wala pa kaming follow up check up sa pedia nya mula nung nag lockdown. Salamat.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mag babago din po yan. Try niyo pag oras na ng tulog patayin yung ilaw. Ganyan ginagawa ko dati sa anak ko nung baby pa tapos may lampshade lang na hindi maliwanag. Kaya yung tulog ng anak ko simula days old hanggang ngayon 3 na sya. normal naman tulog sa gabi gising sa umaga.