Sleeping Disorder at Napaka iyakin.

Hello mga mommies, ask ko lang kung meron ba dito may katulad ko na baby na mas mahaba ang gising kesa sa tulog? 1 month pa lang ang baby ko, pero napansin kong parang hindi sya antukin at madalas syang gising kesa matulog. Kahit nung newborn pa sya. Diba pag newborn mostly tulog lang sila ng tulog? Pero baby ko 8 - 12 hrs straight syang gising. As in iidlip lang ng 10- 15 mins tas gising ulit. Normal lang kaya yun? Wala pa kaming follow up check up sa pedia nya mula nung nag lockdown. Salamat.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din baby ko.. 1 month old.. Palagi umiiyak.. Ung iyak na sigaw ah.. Not normal na iyak.. Tapos palagi buhat ang gusto.. CS pa naman ako.. Idlip lang ginagawa.. Hindi tuloy tuloy na tulog..minsan nakaka stress na rin kasi may gawain bahay ka pa na kelangan gawin tapos na timing na may pag ka tamad pa kasama mo sa bahay (naka tira ko sa bahay ng asawa ko kasama ung 17 and 19 yrs old na babae + 5 dogs) super stressful... Tapos ung lip ko, madalas nag lalaro sa cellphone, kelangan pa utusan para kumilos.. Hay nko..

Magbasa pa
5y ago

Haist.relate ako. Totoo to meron kapang LIP na wala manlang tulong na ginagawa. Wala manlang katuwang. Dipo kaya yung baby mo eh may kabag?

ganyan din baby ko 1mo.old😁 halos 12hrs gising. iidlip lang sandali. tz magigising na naman. pag sobrang antuk saka na sya iiyak, hndi ko alam kung bakit kahit nagdedede sya pro kahit antuk na. d pa dn matutulog. pag nakatulog naman sya. ang haba ng tulog. ginigising ko lang para dumede. pro tanong ko p dn s pedia nya nxtweek.balitaan kita😁

Magbasa pa
5y ago

Hehe. Sige po mamsh. Di pa kami makapagpacheck gawa ng walang transpo.

Mag babago din po yan. Try niyo pag oras na ng tulog patayin yung ilaw. Ganyan ginagawa ko dati sa anak ko nung baby pa tapos may lampshade lang na hindi maliwanag. Kaya yung tulog ng anak ko simula days old hanggang ngayon 3 na sya. normal naman tulog sa gabi gising sa umaga.

VIP Member

Ganyan po ang baby hanggang 3 months. Swerte na po kung okay na sya ng 2 months. And yes naramdaman po ng lahat ng bagong nanay at tatay ang mapuyat. Sleep deprivation ika nga. Stress na, dahil hindi makatulog. Breastfeed mo nlng si baby, para makasleep uli.

Magbasa pa

Pa check up mo mommy pagkatapos ng lockdown baka kasi hyper si baby, kung iyak naman ng iyak baka may nararamdam sya, yung baby kasi di iiyak yan pag walang iniinda or masamang nararamdam.

Normal😊

5y ago

Naexperience nyo rin ba yun sa baby mamsh?