Crib

Hi mga mommies! Ask ko lang 33 weeks pregnant here. Kung useful ba ang pagbili ng crib para kay baby? Alangan kasi ako mejo pricey. Hehe thanks in advance

59 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

meron naman po yung kahoy lang may presco para kay baby ..yes mas maganda po na may crib sya para makikita modin sya habang nag wwork ka sa loob ng bahay. bumili ako ng wood crib then ako na nag paint at nag lagay ng design kay naging elegant sya tignan

Post reply image

actually, dream ko din yan nung preggy ako.sabi ko bibilhan ko sya ng crib. kaso pag nahiwalay ko sya sakin at ililipat ko sa crib(which is bigay nalang) nakakaawa. naka aircon kasi kami. parang feeling ko giniginaw sya. so di na namin nagamit ung crib. tinatabi nalang namin sya sa kama.

TapFluencer

hi mom.ok na din po ung may crib kc mgagamit nmn po nya yan lalo na pag marunong na sya tumayo at maglakad ung kahoy po bilhin mas mganda at mura pa.dyan cla nkakatayo agad at ora din pag may gagawin ka maiiwan mo sya sa crib na safe lagyan nui nlng po ng mga toys

Super Mum

Favorite ng baby ko yung crib nya. Dun sya natutulog sa tanghali at gustong gusto nya po dun. Depende naman po siguro kay baby kung msanay sa crib or hndi. Ako kasi since birth si baby pag day time sa crib tlaga sya so yun yung oarang naging comfort place nya.

VIP Member

Useful yung crib kapag may ginagawa ka tapos tulog si baby mo. Bumili din kami ng crib/playpen kaso hindi pa gaanong nagagamit ni baby. Hinihiga lang sya dun kapag gising sya tapos lalaruin sya. Pagkapanganak mo nalang ikaw magdecide kung bibili ka o hindi.

Post reply image

Hindi ko nagamit ang crib, sayang lang ang bili. Mula paglabas ng baby ko, katabi ko siya matulog. Nung matuto naman siyang tumayo, nakakabitaw sa wooden crib kaya nauuntog ang ulo. So, I decided not to use na lang. Mas ok sa kanya. hehe

VIP Member

Ako po personally gusto ko bumili ng crib, tsaka wooden mas maganda kasi minsan naabot ng 1yr old mahigit si baby natin pwede pa dun ilagay. Useful naman sya base naden sa nakikita ko sa pamangkin ng asawa ko :) kaya bumili den ako sarili namin.

mas maganda pag may crib mommy kasi pag umaga dun ilagay si baby para makapaglaba ka mga gamit nya makagawa ka rin sa gawaing bahay..ako sa dalawang anak ko sa crib din sila lumalaki pag gabi katabi ko sila matulog pag umaga sa crib sila..

Sabi nila mas okay ang playpen kesa sa crib mas pricey nga lang ang playpen.. wooden crib kasi 600 makakabili kana.. sa 1st born ko useful ang crib kasi mama ko nagbabantay.. yung sa pamangkin ko ndi masyado nagamit kasi ayaw magpalapag.

kakapanganak ko lang po a month ago and nagbuy kami agad crib. hnd po namin nagagamit masyado kasi mas madali na katabi ang baby sa pagsleep. baka mas magamit nya ang crib pag malaki laki na like 3 mos onwards siguro or mas malaki pa.