symptoms

Mga mommies ano po mga unang naramdaman niyo bago nyo nalaman na buntis kayo?

94 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sobrang sakit ng ulo ko that time tapos bigla bigla na lng ako umiiyak naalala ko di pa pala ako dinadatnan so bumili ako ng pregnantcytest mga 5 piraso then lahat un positive kinabukasan nag pa check up ako nalaman ko 7 weeks pregnant nga ako hahaha... di ko in asahan kc naka calendar method ako..7years ngayon lng pumalya kung kelan di ok ung status namen ng partner ko. At May problema pa kmi sa pera.. pero sa awa ng Diyos eto malapit nako manganak 😊 #35weekspregnant

Magbasa pa

A week before my mens may lumabas sakin na pale-pink discharge na akala ko start na ng mens ko. Pero it lasted lang for a few hours. So naghinala ako na implantation bleeding yun. 1st day dapat ng mens ko (regular kasi ako), nag-PT ako tas positive agad. Pero aside from the implantation bleeding na yun, tumakaw ako nang sobra. Hindi normal sa PMS takaw ko. Tapos nakafocus ako sa gatas. Gusto ko lang uminom nang uminom ng gatas. Ayun po hehe

Magbasa pa

Lahat ng kinakain ko, sinusuka ko. Masakit din balakang/likod ko nun tsaka masakit puson ko, feeling ko magkakaroon na ko pero hindi na pala. Matigas ang boobs. Madaling mapagod. Feeling ko din may babagsak/lalabas sa pwerta ko anytime. Mag almost 3 months na po kasi namin nalaman na preggy pala ako.

Magbasa pa

Ung gutumin. Tipong pahimatay na. Di ko pa alam nun na preggy ako. So naconfuse ko sya with stress kasi loaded din work ko nun. Halos di na ako makakain sa tamang oras. May time pa na kumain kami ni mama sa labas. Tapos halos mahimatay ako nun. Dami ko na nakain tapos gutom na gutom pa din ako.

ako nung pumunta ako sa pangangampanya ng mga politiko nagpa picture ako kay gian sotto nasuka ako sa pabango nya mabango naman pero bakit nasuka ako haha!ndi ko pa alam na preggy ako kc irreg naman talaga ako tapos nung pati sa jollibee sukang suka ako dun na ako nag pt at positive na nga 😁

VIP Member

Wala ako nraramdaman sis parang normal lang may pcos kasi ako non dko dn naisip na buntis ako dahil normal na sakin hnd nagkakaron every month . Non nalaman ko buntis ako nagulat ako iinom pa man din sana ako ng pills pra maregular buti napilit nila ako mag pt muna bgo uminom pills

2y ago

hindi sumakig boobs mo nun sis

Mabilis mapagod kumpara before Paguwi ng bahay bagsak ako, di gaya dati nkkpgpuyat pa kahit pagod from work Stomach cramps, nasakit binti2, dibdib ( parang kapag magkakaron ng mens) Napansin ko dn may nagiba sa amoy ko pag pawisan (hahaha) Nalaman ko 5wks n pala 😍

Magbasa pa

para lang akong dadatnan tapos delay ako ng 1 week, eh di naman ako inaabot ng ganun katagal.. 1or 2 days lang minsan mas maaga pa then nung akala ko meron na ako, spotting lang pala dun na ko naghinala kaya nagpt na ako twice pa, ayun nga positive pareho

5y ago

Ilng araw po kayo nag spotting?

Di na ako dinadatnan . Tapos parang yung nipple ko nag iba na din tapos moody . Minsan lang ako mag susuka sa umaga , kadalasan sa gabi. Tapos yung gusto kong kainin di ko na kakainin . Nag change na yung taste ko . Minsan antokin na

VIP Member

Constipated ako for 1 week. Then nag research ako ng pwede igamot sa constipation and i found out na pwede din pala sya maging sign ng pregnancy. So nag PT ako twice then un positive 7 weeks preggy na pala ako that time hehe