Ano po naramdaman niyo before niyo nalaman na buntis kayo? Ty

45 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

blighted ovum ako last march 23.. rainbow baby ko na to.. nung nakunan ako naging 45days yung cycle ko, after 15days delayed before ako magkaperiod.. may 4 at june 20 ako nagkaperiod.. nagtest ako ng august 5 kasi may feel ko may something na pagkakapareho nung 1st pregnancy ko tulad ng napapadalas hilo pag biglang tayo, iritable kay mister, antukin, utot na may tunog (tahimik lang kasi talaga ko umutot kaya yan unang sign na alam ko sa sarili kong may something), mabilis umiyak tapos napapansin nanaman na umitim kilikili ko.. nadagdag lang na parang naging dry yung balat ko na babakat talaga yung white mark sa balat pag kumamot, yung tummy ko sa paligid ng pusod parang tinutubuan ng balahibo, tapos parang bilog bilog na malilig.. August 5 saktong delayed na ko ng 15days malakas talaga kutob ko na buntis talaga ko kaya nagtest ako ng tanghali at ayun positive, hindi pa naniwala agad si hubby kaya 5times ako nag PT from august 5 to 8 positive lahat.. marami pang what of sa isip ko nun kaya hindi muna ko nagpa check up.. august 15 nagspot ako after do kay hubby kaya kinabukasan nagpacheck up na ko (ganito kasi nagsimula dati kaya tuluyan ng hindi nagdevelop si baby).. so ayun nga kinakabahan ako sa result ng tvs.. base sa Lmp 8w1d ako pero Aog ni baby is 5w6d with 153bpm.. grabe titig ko sa monitor nun at una pa kong nagsabi sa OB ko na meron nga, talas daw mata ko kasi wala pa naman daw siya sinasabi ๐Ÿ˜‚.. now 9w5d base sa tvs na may kaba pa din minsan lalo na pag nagrerequest si hubby, napagtatalunan na nga namin yun kahit sinabi ni OB na ok lang mag make love as long as walang spotting then mild lang not wild kaya ito si hubby laging tampururot sakin pero pinagbibigyan ko pa din naman siya, natatakot kasi ako na baka magka spotting ako..

Magbasa pa

di ko din alam na buntis na pala ako nun dahil nasanay na ako na irreg ang period ko. 2mos na ako delayed nun pero no worry nga ako. then si hubby lagi nya tinatanong kung may period na ako nung 1st month pa lang, then sabi ko wala, sabi nya sakin baka buntis kana hehe gusto na nya kasi ako magbuntis. then sabi ko irreg ako kasi i dont want to expect. then nag 2mos wala parin sa isip ko na buntis ako. hanggang sa sumakit ang ngipin ko, so ginawa ko bumili ako dolfenal250. so nagtake ako nun 1beses. and then nung gabi na magte-take dapat ako ulit, biglang pumasok sa isip ko na teka lang. wait, i mean bigla nalang na, wala naman mawawala kung magtry ako mag PT. hahaha ganun naisip ko, kasi ewan ko instinct ata. hahahaa then bumili ako agad ng 1 na PT sa malapit na drugstore. then oramismo nung gabing yun nag 2 lines sya. dun ko pa lang sinabi kay hubby. natuwa sya agad. pero di parin nagsisink in sa utak ko na heto na sya. then bumili ako ulit ng PT sabi ko try ko ulit ng morning although yung unang PT ko malinaw sya na 2 lines talaga, then yung 2nd ganun ulit. nakakatawa pa di parin ako convinced hahahaha. sbai ni hubby punta na tayo sa OB. and then naniwala lang ako nung marinig ko ang HB ni baby, naiyak ako sa tuwa.. 8W na pala ako nun. hehehe so to make the very long typing short. wala ako naramdaman nun. wala akong malay na buntis na pala ako kasi nasanay ako na irreg ang period ko. kung di lang ako nag worry dun sa dolfenal na yun dahil sa pagsakit ng ngipin ko. wala. hehe

Magbasa pa
2y ago

nakakatuwa naman po mami ang kwento niyo about sa pregnancy ๐Ÿ˜Š

Before ko nalaman na preggy Ako, Lage ako antok na antok. pag uwi ko work 7:30pm or 8 Lage tulog agad, Ako tas Araw araw bago matulog nakain kami Ng mangga ni hubby, sa office ganun din.wala Naman sa isip ko na baka buntis Ako. until 1 day nagtry Ako mag papulso sa Ninong ko nagpaparebond pa ko non, mag pt daw Ako at buntis na ulit Ako .btw, Feb nag positive pt at urine ko pero dinugo din agad Ako early miscarriage after nun d nko nagkaron . April nagtry Ako mag pt katapusan Ang linaw๐Ÿ˜…buntis pala ko Kaya Pala asawa ko Lage din antok na antok ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…

Magbasa pa

nag diarrhea ako mi tapos nilagnat ng isang araw tapos ang bigat ng katawan ko ๐Ÿ˜† galing pa ako gumala with friends, nag overnight kami sa isang beach resort, dun pa lang nag ddiarrhea na ako. pagkauwi ko samin bumili ako nung early detection na PT sa watsons kasi iba talaga sa pakiramdam. ayun nag positive nga hehehe rainbow baby namin ito, nakunan kasi ako nung September 2020 dahil blighted ovum sya.. now, after 7 years of waiting na makabuo, binigay na talaga ni Lord samin ni hubby ang aming miracle baby ๐Ÿ™โค๏ธ

Magbasa pa

Nalaman kong preggy pala ko nung dapat 24 ng August meron na ako hanggang sa na delay ako hanggang nag September 1 so bumili ako ng pt then ayon positive sya kaso malabo so kinabukasan di pa ako satisfied nagpa bili ulit ako sa hubby ko nung pupunta sya dito sa bahay kasi di naman na kami nag sasama ulit neto nalang kami nagka balikan kasi nararamdaman ko sumasakit balakang ko tas ihi ako ng ihi tas yung balakang ko nga daw parang lumapad napansin ni hubby sept 2 ayon mas malinaw na pt until now sept 9 di na ako nagkaroon

Magbasa pa
2y ago

Pa update po sa ultrasound result niyo. Blighted ovum din ako last ye and now 5weeks pregnant na. Sana nga this is it for us! ๐Ÿ’•

nung di ko pa alam na buntis ako sobrang sakit ng puson ko nung mga araw na mgkakaroon sna ako ng period, di ako nagkaka dysmenorrhea kapag meron ako kaya akala ko dysmenorrhea na yun kasi first time ko mka feel ng ganung sakit sa puson ts ilang weeks na delay ako kinutuban na ako sinabi ko n sa mama ko na delayed ako tska sa asawa ko ts sinabihan ako n mag PT after 2 weeks yung kapatid ko pa nalalaki yung bumili ng PT ko nun kasi excited din sya malaman kun buntis ba ako ts yun positive

Magbasa pa

Naging moody ako tapos naging antukin. Kahit maliit na bagay sobra ako magalit tapos lagi akong naiinis sa partner ko tapos delayed ako ng mag 2 weeks pero nararamdaman ko na sumasakit puson ko kaya akala ko dadatnan na ako. tapos nahihilig ako sa mga pagkain na mapuputi then my friend suggested na mag pt ako tapos nung nag test ako dalawang beses pareho positive. Nung nagpa transv ako 6 weeks and 1 day na pala akong preggy. (di talaga safe withdrawal) 25 weeks preggy na ako ngayon.

Magbasa pa
2y ago

bakit parang ako tong nagkukwento? haha we have exactly the same experience.. 6wks1d rin ako nung first transV. ahead ka nga lang ng 5wks sakin ๐Ÿ˜‡ God bless satin..

Sobrang sakit ng puson ko na akala mo mag kakaroon ka tas masakit suso. Akala ko talaga mag kakaroon na ako nun kase ganon ako lagi everytime na mag kakaroon ako, tas implantation na pala yon hahaha. Hindi ako maselan mag buntis, lagi lang ako sinisikmura na akala ko normal lang, kung di pa ako nag PT di ko malalaman na buntis ako. Nadiagnosed din ako na may PCOS kaya akala ko normal lang na di ako dinadatnan lol. Hehe 25weeks na kame ni baby. Hello mga TEAM DECEMBER ๐Ÿ’–

Magbasa pa

ako pag uwi sa bahay galing work lagi akong inaantok, 6PM itutulog kopa then 7:30PM tatayo ako kasi parating na si hubby and dinner time na ๐Ÿ˜„, hanggang sa delayed na pala ako and napansin ko lagi akong nagugutom. 1week akong delayed nag PT na ako positive na.. Then naalala ko parang ganun din ako last yr sa first pregnancy ko kaso blighted ovum yun d natuloy.. kaya this yr Basta Healthy si Baby ok na ako๐Ÿฅฐ

Magbasa pa
2y ago

last yr 6weeks and 3days ako nung nagpa tvs wala silang nakitang embryonic pole, then nag follow up ako ng 2weeks ganun padin wala padin.. kaya ngayong 2022 nung nagpa tvs ulit ako sa pregnancy ko ulit mejo natatakot ako baka wala sila makita ulit. thanks god ok naman ngayon๐Ÿ˜

TapFluencer

Masungit na talaga ako noon pa pero natriple nung di ko alam na buntis na ako then unusual sakin yung parang sore breast, ilang weeks ko sya ininda non na never nangyari sakin kahit na mag memens ako, then yun na nag take ako ng PT kahit na expected ko magkakaroon na ako, turned out positive hehehehehe

Magbasa pa