May plema or sipon kaya si baby?

Mga mommies, ano kaya? Si lo ko more than 1 month na siya and napansin ko kasi yung parang may halak sa kanya mga 1 week ago pa pero wala naman siyang ubo awa ng Diyos, wala din sipon. Kaso this morning iyak siya nang iyak, nahirapan siguro lumungad kasi nung nakalungad na tumigil na. Tapos yung lungad niya medyo malagkit, kahapon pa siya may nilulungad na malagkit. Nag-aalala ako kasi yung sound na naririnig ko sa kanya yung parang may sipon siya pero wala naman akong makita na natulo sa ilong niya

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

same din ng baby ko mii ... 1month and 18days si baby.. parang may halak din po si baby.. may tumutunog di ko alam kung banda sa ilong.. tapos parang nahihirapan siyang huminga..iretable siya.. breastfeeding po aq ehh.. lagi ko nmn pinapaburp si baby... kaso nung nakaraang araw may pinuntahan aq kaya si nanay ang nag alaga kay baby.. naabutan ko na pinapadede ng nakahiga.. nagfoformula kasi baby ko kpg may pinupuntahan aq ehh.. simula nun eritable na tlga si baby.. nakakaawa pa nmn...

Magbasa pa
2y ago

Oo nga mii.. pinacheck up ko nga ulit baby ko kahapon.. same din ng binigay na reseta.. salinase din.. iwasan nga dw na ma-over feed si baby tsaka laging ipapaburp ...

Ganyan din lungad ng baby ko few days ago, malagkit. Ngayon may sipon at occasional cough na sya, pinacheck up ko and pinapamonitor yung halak if nalala.

Baka po gatas lang yan na hindi pa nakakababa sa tiyan nya. Dapat po bago ihiga si baby pagkatapos dumede, naka upright position muna sya ng 20-30mins.

nakakatulong po wag nyo po padedein si baby ng nakahiga kayo both dat mejo angat ulo nya po tas ipaburp nyopo lagi . paarawan rin si baby tuwing umaga.

2y ago

thanks mami

San po part yung tunog? Baka nga po plema. Parang sipon ba ang lumalabas?

2y ago

same po mi. ganyan din po si baby