Foreign Husband LDR

Hi mga mommies 3mos preg ako at kasal kami ng Australian hubby ko dito sa Pilipinas kami kinasal 35 age nya at 30 naman ako. Just yesterday lang gusto nya na akong hiwalayan dahil sa pag uugali ko lagi ako rude sa kanya simula ng nabuntis ako I admit lagi ko talaga siya na pag iinitan ng ulo maliit na bagay nagsusungit ako lalo na pag meron ako gusto o sinasabi at kinokontra nya ako until kahapon sabi nya at pinost nya sa fb nya inaanounce nya sa lahat ng friends and relatives na iiwan nya daw ako dahil sa rude na pag uugali ko ngayon gusto nya mangyari pag nanganak ako kukunin nya daw ang baby namin. Ask ko mga mommies makukuha nya ba ang baby namin? ????

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, kausapin mo husband mo ng masinsinan kasi baka naman nasabi niya lang yun dahil sa bugso ng emotions niya kasi galit siya. Para kasing ang babaw naman ng dahilan na ganun para hiwalayan ka na kaagad. 🙄 Dapat nga mas intindihin ka kasi buntis ka. Hindi excuse yung pagiging foreigner at magkaiba lahi kaya ‘di magkaintindihan kasi ako foreigner din husband ko pero never niya ako ginanyan lalo na nitong nabuntis ako. Kapag nga nag aaway kami kahit nung hindi pa ‘ko buntis sabi ko umalis na siya eh ‘di naman umaalis. 😂 If ever man (pero wag naman sana), talagang serioso yang asawa mo hindi niya makukuha yung anak niyo kasi mother talaga ang may custody kapag below 7 years old. Magpakatatag ka, momsh. Wag ka magpakita ng weakness na nag-ffalter ka kasi nagsasabi siya na ganyan gusto kang iwanan. Be strong.

Magbasa pa
6y ago

Di ka ata niya love eh. Yan hirap pag foreigner...usually anak Lang gusto. San mo ba nakilala and dito kayo sa pinas kasal?