How to talk with your siblings about their child?

Hi mga mi, Sa mga nakatira with their sibling (who also have kid), how do you deal with them pagdating sa pag saway sa mga anak niyo? Sobrang stressed out na kasi ako mga mi. Yung panganay ko kasi, nasa stage siya ng kakulitan (He's 3 years old going 4 sa Dec). May times na nanghahampas siya (in a way na kinukulbit pero dahil walang control napapalakas) at minsan pag frustrated na. Lagi ko naman sinabihan na maging gentle lang siya, na yung ginagawa niya is nakakasakit siya. Pero ito nga ang problema, gusto nakikipaglaro ng anak ko sa cousin niya (8 yrs old girl). Siya yung nahahampas minsan ni lo especially pag naasar na si lo. Again, hindi ako nagkukulang sa pangangaral sa anak ko. Pinagagalitan din ng ate ko at partner niya ang anak ko, in front of their kids. Nung una, wala naman akong problema. Kaso may isang beses na nahuli kong nagsinungaling ang pamangkin ko. Kinurot daw siya ng anak ko, pero kitang kita ko na hindi naman. Agad agad na kinampihan siya ng daddy niya. I kept my mouth shut that time. But then nahuli ko ulit ng ilang beses and most of the times siya ang nagtitrigger sa anak ko. I talked to my sister about it, she told me nato-trauma na daw anak niya. Pero paano naman yung anak kong 3 yrs old na pinagbibitangan sa bagay na hindi naman niya ginawa? Hindi niya maintindihan na yung anak nila, feeling superior na. Lahat ng kilos ng anak ko, pinapanood niya, pag may di siya nagustuhan, isusumbong agad at entertainment sa kanya na napapagalitan ang anak ko. Pinagdadamutan rin lo ko. Hindi ako madamot, I always tell her to get snacks sa storage namin pag nagugutom siya. Kaso ang ginagawa niya, hinohoard niya to the point na wala ng matitira sa mga anak ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganyan siya. Higit sa lahat, ito pinaka concern ko. Yung pagpalo sa anak ko. There this one time, na rinig ko yung lakas ng paghampas sa kamay ni lo (kasi nilaglag yung laptop na safe naman sa loob laptop bag). Sobrang nanginig ako sa galit. Ang liit ng katawan ng anak ko, paano kung mabalian siya sa wrist diba? I never did that to their child kahit pa nung tinalunan ng anak nila ang laptop ko. Nung baby pa anak nila, kinukuha ko siya pag pinagagalitan o sinisigawan ng mommy niya. Ako madalas nag-aalaga sa kanya nung baby siya. Kaya ang sakit lang sakin na, pinapalo nila anak ko. Paano ko ba ipapaintindi sa kanila na beyond the line na ginagawa nila? To make them understand na hindi magandang pinagagalitan anak ko at kinakampihan anak nila in front of her? That the should never lay a hand at my kid? Kasi the last time I talked to my sister, she's not listening. Sobrang sama ng dating ng anak ko sa mga pinagsasabi niya, na parang anak ko pa dapat mag adjust. Tapos sabay comment pa ng ipatingin ko na raw anak ko dahil baka may ASD. Or wala ng pag-asa na iadmit nila na mali rin anak nila?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

maybe po ung sister nyo concern lang din sa anak nya at sympre kayo din sa anak nyo kaya po ganon sya ka protective sa anak nya..vice versa po. Pero kase feeling ko di tlga maiiwasan ang makulit na bata ngaun e.. Kahit ako ung kapitbahay namen ang kulit ng anak ngsisisgaw at ng tatambol ng gate gusto kong sigawan kaso di naman kme close nung neighbor namen. Siguro mi more discipline pa sa LO mo kht na tlgang pinangangaralan mo na sya. Konting tyaga pa mi pero kse that age makulit tlga e. Sa sister mo naman more calm na pag uusap lang siguro pra di mauwe sa away. Pero better nga tama ung isa na bumukod kayo kung may budget naman at least wala ka na pong problema.

Magbasa pa
3y ago

I understand nman na concern siya. Pero yung ayaw ko tlaga is nagsisinungaling ang anak nila na sinaktan siya. Hindi siya naniniwala sakin na nagsisinungaling anak niya, kaya nga niya biglang binato sakin na ipatingin ko nalang sa pedia anak ko kasi baka may ASD. When I get better, we will move out. Sa ngayon kasi, nagsusuffer ako sa ppd. I need the help I can get so I have to suck it up nalang.