How to talk with your siblings about their child?

Hi mga mi, Sa mga nakatira with their sibling (who also have kid), how do you deal with them pagdating sa pag saway sa mga anak niyo? Sobrang stressed out na kasi ako mga mi. Yung panganay ko kasi, nasa stage siya ng kakulitan (He's 3 years old going 4 sa Dec). May times na nanghahampas siya (in a way na kinukulbit pero dahil walang control napapalakas) at minsan pag frustrated na. Lagi ko naman sinabihan na maging gentle lang siya, na yung ginagawa niya is nakakasakit siya. Pero ito nga ang problema, gusto nakikipaglaro ng anak ko sa cousin niya (8 yrs old girl). Siya yung nahahampas minsan ni lo especially pag naasar na si lo. Again, hindi ako nagkukulang sa pangangaral sa anak ko. Pinagagalitan din ng ate ko at partner niya ang anak ko, in front of their kids. Nung una, wala naman akong problema. Kaso may isang beses na nahuli kong nagsinungaling ang pamangkin ko. Kinurot daw siya ng anak ko, pero kitang kita ko na hindi naman. Agad agad na kinampihan siya ng daddy niya. I kept my mouth shut that time. But then nahuli ko ulit ng ilang beses and most of the times siya ang nagtitrigger sa anak ko. I talked to my sister about it, she told me nato-trauma na daw anak niya. Pero paano naman yung anak kong 3 yrs old na pinagbibitangan sa bagay na hindi naman niya ginawa? Hindi niya maintindihan na yung anak nila, feeling superior na. Lahat ng kilos ng anak ko, pinapanood niya, pag may di siya nagustuhan, isusumbong agad at entertainment sa kanya na napapagalitan ang anak ko. Pinagdadamutan rin lo ko. Hindi ako madamot, I always tell her to get snacks sa storage namin pag nagugutom siya. Kaso ang ginagawa niya, hinohoard niya to the point na wala ng matitira sa mga anak ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganyan siya. Higit sa lahat, ito pinaka concern ko. Yung pagpalo sa anak ko. There this one time, na rinig ko yung lakas ng paghampas sa kamay ni lo (kasi nilaglag yung laptop na safe naman sa loob laptop bag). Sobrang nanginig ako sa galit. Ang liit ng katawan ng anak ko, paano kung mabalian siya sa wrist diba? I never did that to their child kahit pa nung tinalunan ng anak nila ang laptop ko. Nung baby pa anak nila, kinukuha ko siya pag pinagagalitan o sinisigawan ng mommy niya. Ako madalas nag-aalaga sa kanya nung baby siya. Kaya ang sakit lang sakin na, pinapalo nila anak ko. Paano ko ba ipapaintindi sa kanila na beyond the line na ginagawa nila? To make them understand na hindi magandang pinagagalitan anak ko at kinakampihan anak nila in front of her? That the should never lay a hand at my kid? Kasi the last time I talked to my sister, she's not listening. Sobrang sama ng dating ng anak ko sa mga pinagsasabi niya, na parang anak ko pa dapat mag adjust. Tapos sabay comment pa ng ipatingin ko na raw anak ko dahil baka may ASD. Or wala ng pag-asa na iadmit nila na mali rin anak nila?

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kung Ako Sayo paluin mo pamangkin mo pag sobra na kung di kaya Ng magulang idisiplina Ikaw dumisiplina anak mo nga pinapalo nila e Hindi pwede sakin yang ganiyang Bata otso palang ganiyan na ugali tapos pag lumaki Lalo sasama ugali tapos pag sila na agrabyado mag dadrama na may depression, na aping Api pero Ang totoo pakiramdam lang nila natalo sila Kasi Hindi sila sanay na maganon. jusko yang ate mo may problema din e.

Magbasa pa

Ako living with my siblings na may anak din. Pag dinidisiplina nila mga bata or ako nagdidisiplina sa mga anak nila walang umiimik . knows namin hanggang saan limit non. Equal rights kami dito. kahit nag aaway mga bata, iniintndi namin kasi bata yun. at the end of the day magbabati yan. kung hndi maganda ung pagsasama nyo with them lumipat nalang kayo ng ibang bahay. mahirap yang ganyan.

Magbasa pa
VIP Member

The best solution diyan is separate talaga ma kasi mahirap yan lalo na sa anak mo kung lalaki siyang parang sa tingin niya ate (pinsan) niya lang ang tama pero I hope na wag naman ispoil ng sobra yung ate 8 years old na siya at medyo nakakaintindi na siya tapos 3 years old papatulan niya. Depende pa rin talaga ang ugali ng anak kung paano ito palakihin ng mga magulang.

Magbasa pa

Medyo complicated na sitwasyon mo mi, pati ba si hubby mo kasama nyo sa house? why not considering na bumukod nalang kasi nag suffer na anak mo. If afford naman po na bumukod please consider it nalang, kasi hindi na healthy ang sitwasyon nyo to the point na nagkakasakitan na sila at base sa kwento mo is dehado si lo mo.

Magbasa pa
2y ago

I really wanted na makabukod na, pero sa ngayon hindi ko pa kaya kasi I'm still suffering from ppd. I need the help I can get. Kaso iyon nga feeling ko dumadagdag din sa stress ko kung paano nila itrato anak ko.

Walang ibang solution kundi bumukod. For your peace of mind. Baka kaya until now may ppd ka dahil sa ganyang situation nyo. And talagang yung 3 y/o pa ang need mag-adjust sa 8 y/o? Isipin mo na lang yung long term effect ng ginagawa nila sa anak mo.

sorry po pero may problem po dun sa 8 yr old. ang bata pa pero manipulative na. as much as possible ilayo nio po muna sya sa pinsan nya baka kung ano pa po gawin sa kanya. syempre po ung ideal bumukod na po kayo :)

para makaiwas po sa ganyang sitwasyon, bumukod nalang po kayo.

Live separately po.. Para kayo lang sa bahay

kunsintidor kapatid mo sa anak niya

Bumukod ka.