How to talk with your siblings about their child?

Hi mga mi, Sa mga nakatira with their sibling (who also have kid), how do you deal with them pagdating sa pag saway sa mga anak niyo? Sobrang stressed out na kasi ako mga mi. Yung panganay ko kasi, nasa stage siya ng kakulitan (He's 3 years old going 4 sa Dec). May times na nanghahampas siya (in a way na kinukulbit pero dahil walang control napapalakas) at minsan pag frustrated na. Lagi ko naman sinabihan na maging gentle lang siya, na yung ginagawa niya is nakakasakit siya. Pero ito nga ang problema, gusto nakikipaglaro ng anak ko sa cousin niya (8 yrs old girl). Siya yung nahahampas minsan ni lo especially pag naasar na si lo. Again, hindi ako nagkukulang sa pangangaral sa anak ko. Pinagagalitan din ng ate ko at partner niya ang anak ko, in front of their kids. Nung una, wala naman akong problema. Kaso may isang beses na nahuli kong nagsinungaling ang pamangkin ko. Kinurot daw siya ng anak ko, pero kitang kita ko na hindi naman. Agad agad na kinampihan siya ng daddy niya. I kept my mouth shut that time. But then nahuli ko ulit ng ilang beses and most of the times siya ang nagtitrigger sa anak ko. I talked to my sister about it, she told me nato-trauma na daw anak niya. Pero paano naman yung anak kong 3 yrs old na pinagbibitangan sa bagay na hindi naman niya ginawa? Hindi niya maintindihan na yung anak nila, feeling superior na. Lahat ng kilos ng anak ko, pinapanood niya, pag may di siya nagustuhan, isusumbong agad at entertainment sa kanya na napapagalitan ang anak ko. Pinagdadamutan rin lo ko. Hindi ako madamot, I always tell her to get snacks sa storage namin pag nagugutom siya. Kaso ang ginagawa niya, hinohoard niya to the point na wala ng matitira sa mga anak ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganyan siya. Higit sa lahat, ito pinaka concern ko. Yung pagpalo sa anak ko. There this one time, na rinig ko yung lakas ng paghampas sa kamay ni lo (kasi nilaglag yung laptop na safe naman sa loob laptop bag). Sobrang nanginig ako sa galit. Ang liit ng katawan ng anak ko, paano kung mabalian siya sa wrist diba? I never did that to their child kahit pa nung tinalunan ng anak nila ang laptop ko. Nung baby pa anak nila, kinukuha ko siya pag pinagagalitan o sinisigawan ng mommy niya. Ako madalas nag-aalaga sa kanya nung baby siya. Kaya ang sakit lang sakin na, pinapalo nila anak ko. Paano ko ba ipapaintindi sa kanila na beyond the line na ginagawa nila? To make them understand na hindi magandang pinagagalitan anak ko at kinakampihan anak nila in front of her? That the should never lay a hand at my kid? Kasi the last time I talked to my sister, she's not listening. Sobrang sama ng dating ng anak ko sa mga pinagsasabi niya, na parang anak ko pa dapat mag adjust. Tapos sabay comment pa ng ipatingin ko na raw anak ko dahil baka may ASD. Or wala ng pag-asa na iadmit nila na mali rin anak nila?

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I experienced this sa nephew ng asawa ko. Kahit di naman kami nakatira sa iisang bahay. Pag nandito sila, sobrang spoiled kasi nung bata, imbes na yung bata ang susunod sa parents niya, ang nangyayari is yung parents ang sumusunod sa bata. My daughter was 4 and her cousin is 2. Yung anak ko alam niya na kung tama ba o mali yung isang bagay. Naturuan namin siya at an early age na huwag magdamot etc. Yung nephew ni hubs naman sobrang spoiled to the extent na nagsisinungaling na siya para makuha yung gusto niya. For ex, sasabihin niya sinaktan siya ng anak ko kahit na siya naman talaga ang nanakit. Ako kasi bago ako mag react nag tatanong ako kung ano bang nangyari. Yung anak ko kasi kahit alam niyang mali yung ginawa niya, hindi siya mag sisinungaling pag tinanong mo, aaminin niya kung talaga bang may ginawa siya. It was just recently nung natuto siyang lumaban. Si nephew kasi nananakit pag di napagbigyan, for example may gusto siyang toys ng anak ko habang ginagamit ng anak ko, siyempre hindi ibibigau nung anak ko kasi nga ginagamit niya, ang gagawin ni nephew aagawin niya, pag di nya maagaw sasabihin niya sa nanay niya, ito namang nanay, papagalitan yung anak ko, pipilitin nila na ishare nung anak ko yung toy. I didn't like that kasi nga sinasabihan nilang mag share yung anak ko pero yung anak nila natututong maging entitled, natututunan na hindi niya kailangang mag wait for her turn bago niya magamit yung laruan. Recently, gumaganti na si lo pag nasasaktan siya. Tapos kahit hindi naman siya ang nag umpisa, siya pa din ang papagalitan. So I told her na kapag sinaktan siya ni nephew, isumbong niya nalang at wag na gaganti kasi pag gumanti siya kahit hindi siya ang nauna, siya ang papagalitan. Si nephew magaling kasi mag fake cry. There was one time, nasa harapan nila ako pati yung isa pang sis ni hubs, biglang hinampas ni nephew yung anak ko tapos umiyak siya tska nag sumbong sa nanay niya sinaktan daw siya ng anak ko kahit kitang kita namin na siya ang nanakit. Ito namang nanay agad naka sermon sa anak ko. I was pregnant that time at hindi ko napigilan ang hormones ko, agad nag init ang ulo ko. Buti nalang bago ako mag salita, nauna na nagsalita yung kapatid ni hubs at sinabing yung anak nila ang nanakit. Kinuha ko nalang yung anak ko tsaka kami nag kulong sa kwarto. I think na trauma yung anak ko kasi everytime na iiyak si nephew lumalayo siya at sinasabi niyang wala siyang ginagawa. Lumalayo siya kasi alam niyang papagalitan nanaman siya and that saddens me. My child shouldn't feel that way. 🥺 There are parents talaga na napaka one sided. Agad silang naniniwala sa mga anak nila without knowing yung buong story. Sana parents like that would know that they're teaching their kids to be entitled and spoiled at magiging problema nila yung ugaling yon pag tanda ng anak nila. I wasn't able to talk to my SIL regarding this, dinaan ko nalang sa hubs ko, though kahit siya nakikita niya din minsan yung ginagawa ng nephew niya, never niya/namin pinagalitan ng pasigaw yung bata, kinakausap lang namin at sinasabing mali yung ginagawa niya unlike them na sisigawan or papaulin yung anak ko. Pero wala din mangyayari kung mismong magulang ng bata ayaw turuan ang anak nila sa tama at mali. Also, ang hilig ni SIL sutilin anak ko. Kaya lalong natutong lumaban. Iniinis niya lagi tapos pag ginantihan siya papagalitan niya. Hays buhay. Sorry na kung naging sort of a rant na din itong comment ko. Huhu

Magbasa pa

live separately.napunta na ako jan sa sitwasyon na ganyan po 2 years old na boy ang baby ko. super kulit bubuksan ang tubig . hindi ko masaway. tapos may baby sa family house namin anak siya ng tita ko tapos pinagalitan nila baby ko sa tapat ng ibang bata ayun nagkaron bg superiority ung bata. that is the time na i choose to live separately . nagkaron pa ako ng peace of mind. kalat ng anak ko basag ng anak ko okay lang. ganyan talaga pag pareho may bata sa iisang bahay. p.s sinabhan din nila baby ko na may something autism ganun btw kaka 2 years old palang niya. anyways me nabasa ako pag nagiging mapanakit daw si lo sis meaning frustrated siya or di mo siya naiintindihan. try to talk him kung pano mo makukuha atensyon niya nasa span pa din po kasi siya ng paglilikot. kung 5 yeard old na at ganun pa din better pa check niyo na siya sa dev.pedia

Magbasa pa
2y ago

Sana kaya na namin. Hopefully soon, ito talaga gusto ko yung bumukod. Pag ok ok na ko. Sa ngayon kasi I need the help I can get, I'm suffering from ppd kaya medyo need ko sa ngayon ng help nila. Marami akong nabasa on how to handle toddlers, I admit nasisigawan ko rin naman si lo pero pag nakakailang ulit nako that's the time lang na napapasigaw ako. Sila kasi, palaging nakasigaw. Nakakalungkot lang na I never raised my voice at their child, pag pinagsasabihan ko, sinisigurado kong di ko napagtataasan ng boses.

the one and only solution to that is umalis kayo sa bahay nila. bahay nila yan so they will think they can do anything. same with the spoiled brat nilang anak, feeling nya it can do anything sa anak mo kasi nasa bahay nila kayo. if di ka agad makakaalis dyan, i suggest sabihan mo ang anak mo na huwag lumapit sa kanila. huwag mo rin sya ilapit sa kanila. establish a boundary and distance yourselves from them. hopefully, makuha ng anak mo na huwag na rin lumapit sa kanila. and alam mo palang hinohoard na nung isang bata ang mga pagkain, pinagbibigyan mo pa. ihiwalay mo pagkain nyo ng anak nyo from them. if hindi nakikinig ang kapatid mo sayo, i think makikinig yan pag pinagalitan mo ang sinungaling at spoiled nyang anak. do not do unto others what you don't want others do unto you

Magbasa pa

wag mo hayaan na manakit ang anak mo ng iba at wag mo din hayaan na saktan sya ng ibang tao..kung bantay mo sya, makikita mo kung mananakit na ang anak mo or kung sya ang sasaktan..ang dapat gawin ilayo ang anak kung nakikita na ang mga signs na may disagreement na between sa knila ng kalaro nya..kahit ako ang nasa side ng kapatid mo, magagalit ako kasi hindi mo nilalayo yung bata and at the same time kakampihan ko anak ko kasi parang tinotolerate mo yung anak mo na manakit kz younger sya.. hindi kz sapat na sabihan mo lang lalo kung nakikita na ng iba na patuloy ito sa pananakit..tas kung nanakit anak mo, better paluin mo para alam nya na mali ang manakit orbigyan mo ng punishment..at para kita ng kapatid mo na pantay ang treatment mo sa anak at pamangkin mo..

Magbasa pa

I have nephews who arr born and raise sa bahay namin. And may anak din po ako. As siblings we actually raised all of them. So walang ganyang scenario. Parang magkakapatid lang yung mga bata. And parang sariling anak din turing namin sa mga pamangkin. Kung nakikita namin na mali mga ginagawa ng bata walang kaso mag saway isa man sa min. Wala ung mag aalangan kang sawayin kc d mo anak. Sa tingin ko sa environment po mamsh.. Baka hindi kayo open sa isat isa. Advise ko po e.. Cguro baguhin mo po treatment sa pamangkin mo wag mong tingnan na pamangkin mo lang sya. Ituring mong tunay na anak ang bata. Ung bata kc madali lang maturuan yan. Pag ganun po kasi ituturing nya na kapatid nya dn anak mo mas magiging gentle po sya and ganun din sa anak mo.

Magbasa pa
2y ago

When I gave birth mga sa baby ko dati. My nephews got jealous kc nawalan na daw ako time sa kanila and madalas ko mapagalitan kc ang iingay. Naiistorbo tulog ni baby. Hehehe. But i made up with them naman and explain sa kanila na baby pa kc need alagaan. So ayon tulong din sila sa pag alaga.parang scenario din sa magkakapatid na nadagdagan ng baby. Na may selos2 na emote muna bago fully ma tannggap na may new baby ulet sa bahay. Hehe

Para sakin ang best way for that need nyo na mag part ways po kasi mahirap makisama sa kamag anak tsaka kahit ano kasi usap nyan kung gnun di naniwala sa unang pag uusap kakampihan at kakampihan nya ang sariling anak nya kasi anak nya yun eh yun lang ang paniniwalaan nya if inyo naman po ang bahay sila nalang paadjustin nyo then explain nyo kung bakit nasasakanila na yun kung tatanggapin nila or hindi ang importante naexpress mo sarili mo kung anong pinanggalingan nyo besides napakabata pa po ng 3 years old anong alm ng isang bata sa ganung idad nag daan sila sa stage nang pagpapalaki then they cannot put theirselves onto your shoes its unfair po mas matanda anak nila dapat anak nila umintindi 😔

Magbasa pa

isa ang solusyon dyan BUMUKOD KAYO. Sabi mo PPD ka sis for me baka lalo ka mastress sa ganyang sitwasyon. Although hnd kami mavkakasama sa bahay ung anak ng bunso naamin 8yrs, anak mg ate ko 6yrs at anak ko 2yrs kapag itong si 8yrs old makulit hnd nagrereklamo ang tatau nyan sa pagdesiplina sa bata. Saka hnd nagsisinungaling ang mga pamangkin ko sjs makulit la g pero hnd sinungaling at hnd din intention na manakit. Itong anak ko kapag ito nagtatatrums binabayaan namin. Ang concern ako dyan is san natuto anak mo manghampas? kasi ginagawa ng bata is usually gingaya sa matanda. Nasa way tlaga ng pagdiscipline. Mahirap kapag hnd kayo pareho ng goal at isip. So ang sagot ia bumukod kayo.

Magbasa pa

My child is 6 years old and sya ang binubully ng anak ng hipag ko. And Yung anak ko is anak ko sa pagkadalaga, sobrang sakit as a mom na hindi ko man lang mapaglaban yung anak ko kasi una sa lahat anak sya ng ate ni partner tapos 4 years old palang sya. Minsan I am being bad na kasi I am talking to my child if ever he hurts him again , saktan nya pabalik... kasi even in her own mom or lola or even lolo di sya nakikinig and Minsan sinasagot sagot nya mga lola at lolo nya. I feel like I wanna teach that kid. Bute nalang sobrang bait ng anak ko he never hurt him back kahit na inuutusan ko na sya. kaso i really feel hurt sa sobrang mapanakit ng pamangkin ni partner 😭

Magbasa pa

maybe po ung sister nyo concern lang din sa anak nya at sympre kayo din sa anak nyo kaya po ganon sya ka protective sa anak nya..vice versa po. Pero kase feeling ko di tlga maiiwasan ang makulit na bata ngaun e.. Kahit ako ung kapitbahay namen ang kulit ng anak ngsisisgaw at ng tatambol ng gate gusto kong sigawan kaso di naman kme close nung neighbor namen. Siguro mi more discipline pa sa LO mo kht na tlgang pinangangaralan mo na sya. Konting tyaga pa mi pero kse that age makulit tlga e. Sa sister mo naman more calm na pag uusap lang siguro pra di mauwe sa away. Pero better nga tama ung isa na bumukod kayo kung may budget naman at least wala ka na pong problema.

Magbasa pa
2y ago

I understand nman na concern siya. Pero yung ayaw ko tlaga is nagsisinungaling ang anak nila na sinaktan siya. Hindi siya naniniwala sakin na nagsisinungaling anak niya, kaya nga niya biglang binato sakin na ipatingin ko nalang sa pedia anak ko kasi baka may ASD. When I get better, we will move out. Sa ngayon kasi, nagsusuffer ako sa ppd. I need the help I can get so I have to suck it up nalang.

I think selos si 8 yrs old kase wala na din gaano attention mo sa kanya since sabi mo ikaw nagcocomfort sa kanya before. Pero dapat fair ate mo kung papagalitan mo man anak nila wag sila masyadong OA sila nga nappalo nila anak mo eh. Basta ako makita ko lang na sinasaktan ng ibang tao ang anak ko to the point na iba na yung palo or bugbog na sa palo or what ibang usapan na talaga yan kahit magkamag anak ka pa. Kung may problema sa mga anak dapat iniinform ng maayos ang magulang para magulang ang mag didisiplina talaga. 🤷🏻‍♀️ hindi yung basta basta na lang papaluin ng ibang kamag anak.

Magbasa pa