Nagpagulong gulong sa higaan at nahulog
Mga mima ask ko lang Po nahulog Kasi baby ko sa higaan Namin foam NASA 3 inches Ang kapal..medyo malakas ang pagkalaglag .umiyak sya pero nong binuhat ko na tumahan din naman agad..mga mima nag aalala Po Kasi Ako..Wala Po ba maging prob.yun sa baby ko 7 mos pa lang Po ksi sya..FTM here.

Yung higaan po ba nasa sahig lang or nakapatong sa bed frame? Kung nasa sahig lang at 3 inches lang ang kapal, no need worry. Pero kung mataas yung pinaghulugan mas magandang ipacheck siya. Nahulog din yung panganay ko dati sa sofa nung 7 months siya, nagkaron ng malaking bukol kaya dinala namin sa ER pero okay naman siya. Ang sabi samin sa ER ito yung mga kailangan namin tandaan kung dadalhin si baby sa ER after mahulog: 1. Kung mas mataas sa height ni baby ang pinaghulugan. 2. Kung sumuka agad si baby after mahulog. 3. Kung mukhang nahihilo, groggy or parang lasing si baby. 4. Kung ayaw kumalma o tumigil sa pag iyak after mahulog. 5. Kung may bukol lagyan ng yelo. 6. Kung inantok si baby hayaan matulog. Nakakatulong daw para hindi lalo mastress si baby, nakakatulong din maiwasan mamaga ang brain ni baby kung naapektuhan man utak niya sa pagkakahulog.
Magbasa pa