Nahulog si baby sa higaan

Hello po sa lahat. Pa help po ako kasi worried ako, nahulog po si baby sa higaan namin about 2ft yung taas yung floor po namin eh wood po. Nagtitimpla kasi ako ng gatas at umihi na rin. Si hubby ko yung bantay nakatulog daw sya. Pagkalapit ko na sa kwarto namin may parang may malakas na tunog na nahulog pagkabukas ko si baby ko pala nahulog. Umiyak sya kinomfort ko pinainom ko ng gatas kasi gutom na yun eh. Wala naman syang sugat or anything else, wala naman po syang changes yun pa rin sya tumatawa, nakikipaglaro, nag smi-smile, full energy. Takot pa rin ako mommies. Ano kaya mangyayari kay baby ko? 7mos na LO ko ?????

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Observe nyo lang po. Pag hindi siya tumigil sa kaiiyak, nagsusuka, antokin at parang grogy siya dalhin nyo na. Kasi sa hospital ganyan lang din ang itatanong sa inyo. Baby ko din ganyan nahulog din sa kama. Hindi ako natulog magdamag kasi binabantayan ko siya. Ok naman siya ngayon sa awa ng diyos. Marami pa nga akong iyak kaysa sa kanya.

Magbasa pa

same po tayo samin naman semento kaya dinala namin agad sya sa ospital pero ok lang nman daw sya basta hindi sya magiging antukin after nya mahulog o kaya hindi nagsuka. pero pina ultrasound pa rin namin ulo nya normal naman po. bawal pa kc ang xray kaya ultrasound ang inadvised samin ng doctor sa ER

Magbasa pa

Much better sis pa check up mo sya para masigurado na walang damage kay baby yung pagkalalaglag nya. Iiwasan natin lagi is may magdugo sa loob ng katawan ni baby dahil sobrang sensitive pa nila. I hope okay lang talaga si baby mo sis.

better po monitor si baby for atleast 24 hrs, if theres sign na antok antok, tutulog tulog, vomiting, better dalhin agad sa hsptl pra ma.ct scan😊. preggie dctr here😊❤stay safe

Nangyari na po yan sa dalawang kapatid ko before. Basta daw po wag magsusuka and wag patutulugin agad. Observe nyo lang po. Or pacheck up nyo na po kung worried po kayo para sure.

TapFluencer

Dapat d nu muna agd pinadede pag ganun and wag patulugin . Observe for an hour if Wala nmn nangyari like pag susuka or pannhihina . At Kung may bukol sya.check nu dn .

momsh pag malakas pa run at naglalaro, ok pa si baby. un ung palaging sinasabi ni pedia samin. if nagsusuka na at tulog ng tulog dun ka dapat magworry

VIP Member

Observe lang muna mommy. Wag mo patulugin agad. Observe within 24-48 hrs. Nangyari din sa lo ko yan nagkabukol naman sya huhu

5y ago

Kumusta naman baby mo ngayon sis? 😭🥺🥺

VIP Member

Di po ba sya nagsuka mommy? Dpat din di muna patulugin agad pagkahulog...pa check nyo nlang po mommy para sigurado

VIP Member

Hay nkakaworry po tlg mga ganyan 😥😥😥 pru sna ok lng po c baby 😊

Related Articles