Yung EDD po sa 1st TVS niyo ang sundin niyo. Pero minsan dipende padin kung kelan gusto lumabas ng baby. Sakin nman July 30 EDD ko pero di na namin pinaabot ng 30 kase nagpa-induce labor na ko,baka kase lumaki pa si Baby at ma-CS pa ko since maliit lang ako tapos payat pa. Ayun July 24 lumabas si Baby.
In my experience, mas naging accurate yung sa last menstruation. Yung sa ultrasound, nagbabago-bago kada ultrasound, I think it's because base yun sa size/ development ni baby. At 9 months, nasa 2 weeks na yung difference ng EDD , maybe because maliit lang si baby.