Embryonic Demise
Hello mga miii..Share q lang ung miscarriage q today first time miscarriage😭 lumabas na c Baby q after ilang months na nanatili sya sa tyan q knowing na wala na syang hb ng month of May palang tumagal sya simula month of May hanggang ngaung Aug..Nag bleeding aq Month ng May at nalaman na wala na syang hb at di na lumaki nanatili lang sya sa 7 W 4days😢 pero dahil pinainom aq ng mga pampakapit naampat ung bleeding q at nung pumunta kame ospital hindi po aq niraspa kase sarado na ulit cervix q..Nagreseta lang cla primrose na ilalagay sa pempem 3pcs. 3x a day..halos inabot na ng weeks wala padin epekto c primrose inabot pa ng june wala padin kaya nagpakunsulta na q sa ibang ob..Pina ultrasound nya q at same padin results embryonic Demise..then reseta ulit primrose pero ung nireseta is iinumin naman 3x a day din..naubos q na ulit mga nireseta., july na wala padin bleeding..Kaka stress na magisip..Gusto q kase talaga naturally sya lumabas..😢 pero dahil buwan na ang lumilipas nag decide na ulit pa schedule ng Raspa sa ibang Ospital aq nagpa schedule..Then Schedule q po dapat for tomorrow Aug.13 Saturday pero kanina madaling araw 2am..hindi na q pinatulog ng pananakit ng puson at balakang pati na mga singit at hita masasakit..pero kinakaya q ang sakit kase wala c hubby naka duty sa work..mag isa lang aq sa room..Nag pray aq kay Lord at kinakausap q c Baby na kung naririnig nya q at nanjan sya lumabas na sya at wag na q pahirapan pa😭 pagpunta q ng Cr may buo-buo na lumabas then nawala konte ung sakit ng puson at balakang q na hilab na hilab..nakatulog aq after ng paglabas ng buo-buo dugo at pag gising q tumayo ulit aq at naramdaman q na may lumalabas na malaki sa pempem q na sobrang init..Lumabas na sya pagkatapos q sya kausapin😭 tinitigan q kung sya na talaga un parang plastic balloon na may kasamang ulit buo dugo..Napasambit aq na Baby u Saved the day kase di q na kelangan magparaspa kase iniisip din namen ang pambayad😭 Nakakalungkot man alam q may magandang plano c Lord at babalik sya samen sa tamang Panahon🙏 ..Dinala namen sya sa Simbahan para mabindisyunan at mapangalanan..😢