Embryonic Demise

Hi mga Mommies..first time q lang po na Miscarriage.,Nag pa check up aq sa ob 7 weeks may heart beat then nagkableeding ng May 19 mag 12 weeks na dapat.,pinainom aq pampakapit then di padin tumitigil bleeding nag pa ultrasound ulit ng june 4 after nun na transV diagnose na q ng Embryonic demise then ipinatigil na ung mga iniinom q na mga gamot vit and pampakapit unti unti tumigil ang bleeding q then dapat dw maraspa..kaya lang pagpunta ng ospital di naman aq niraspa niresetahan lang nila q ng Evening Primrose..hanggang ngaun wala padin po bleeding..July na..hindi po ba delikado sa katawan q ung ganitong sitwasyon..hindi na po kase aq mapakali at palage po nag overthink..Ang sabi lang po sa ospital kelangan lumambot muna ung cervix wala pong ibang binigay na gamot..Sana po makakuha aq ng sagot sa mga katulad ng Saken:( TIAπŸ™ #advicepls #pleasehelp

Embryonic Demise
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Last year Oct 18, 2021, nafound out na walang hb ang baby ko at 7w4d nung nagpatvs ako. Embyonic Demise din po. Nagpaconsult ako sa ibang OB Sono to double check if talagang demise and yun, wala na talaga hb si baby. Di ako dinugo. Walang masakit. Close cervix. Niresetahan lang ako na mag insert ng evening prime rose 3xaday for 1 week. Intayin daw na duguin at kapag dinugo tsaka raraspahin. Pero hindi ako dinugo and worried din kami kasi baka delikado na nasa tummy ko pa si baby. Kaya nagconsult nalang ako sa ibang OB Sono ulit, ibang procedure na ginawa nya sakin since di umeffect yung evening primerose. Medical Passage ang gagawin. May pinabili saming gamot na sa Mercury na iniinject sa pwerta. Btw, ob ang mag iinject non. Every 3 days ang pag inject pero hanggang 3 times lang namin gagawin. Kapag di umeffect tsaka ako raraspahin. Bumabalik ako sa hospital for injection every 3 days, and on my 3rd time which is Nov. 6, 2021 ng pag-iinject don na ako dinugo after lagyan ng gamot, don na humilab at sumasakit ang tiyan ko. Parang naglelabor. And kinagabihan non, lumabas na si baby. Yan po yung nireseta sakin. Best way na gawin po nila ay magpaconsult na po kayo sa ibang ob. Not sure nga lang if yung procedure na ginawa sakin ay ganyan din ang gagawin sneo pero para sa ikakapanatag din ng loob nila, mas okay po na magconsult sa ibang ob.

Magbasa pa
Post reply image
3y ago

Hoping na sana makaraos ka na. Nakakalungkot yang nangyari satin. Ang daming beses kong umiyak. Kasama ko ang asawa ko na naiyak sa gabi lalo na nung nalaman kong demise na talaga. First time mom din sana ako nung time na yan. Pero kailangan magpatuloy. Lagi ko nalang pinagpepray si baby na gabayan kami ng daddy nya. Soon babalik din sya sayo. Kasi samin, bumalik na now. And yung hb na hindi nakita sa una kong baby is napakaagang nakita sa baby ko ngayon dahil preggy na ako ulit. 🀍 Fighting mi! Malalagpasan mo rin ang pagsubok sayo ni Lord. πŸ™ I'm praying for your safety and your baby's soul. Magkasama na sila ng baby ko. Baka magkalaro sila ngayon. 🀍 Ingat po kayo and samahan nyo lagi ng prayers. πŸ™πŸ™πŸ™

august 2021 nag transv ako. positive 5 1/2 weeks c bb. spetember 2021 wala nang HB c bb. another 2 weeks observation. pinatake nang pampakapit at mga vitamins. transv ulit wala na talaga c bb. hibdi rin ako dinudugo noon. kinabukasan, opera raspa na agad. may pinatake sa akin na gamot para dugoin bago raspahan. cguro mga 10 hours lahat na nakatambay ako sa hospital. kasama na doon ang operation. kailangan talaga ma raspahan mi. baka ma poison ka yon sabi nang Ob ko.

Magbasa pa