17 Replies

Same, may trauma ako sa ospital after ko manganak. Nag stay ako ng 8days dahil daw sa BP ko na araw araw nlang tumataas. Binibigyan nila ako ng kung anu-anong gamot at kung anu-ano na tinuturok sakin pero wala pa rin. Sa mga nurse nila ang taas ng BP ko pero nung nagpa-BP ako doktor, normal naman BP ko. Tsaka sa public hospital di ka masyadong aasikasuhin lalo ng mga nurse na tenured na. Biruin nyo CS ako, may swero at catheter pero di nila ako pinapansin. Pinapagalitan pa ako kapag may dugo sa swero ko. Anong magagawa ko eh kailangan ko rin buhatin baby ko pag magpapadede at pag pupunta ng CR para itapon yung bag ng ihi ko 😣 kaya sabi ko sa asawa ko, tama na isang baby. Ayoko na manganak ulit lalo na kung public hospital 🥴

thank you mi :) grabe akala ko maloloka na ko nun eh. Umiiyak na ko sa mama ko na sabi ko pumirma na sa waiver para makauwi na kami. 8days na ayaw pa ko pauwiin. Awang awa na ko sa baby ko, naeexpose sa maraming pasyente tapos wala pang kahit anong bakuna bukod sa hepatitis 🥺 pero mas nakakaawa asawa ko kaya ako iyak ng iyak pag kausap ko sya. Nauulanan, naiinitan sa labas ng ospital mabantayan lang kami. Bawal pumasok kasi ang bantay sa loob.

Para sakin mas ok sa lying in. Nanganak ako nun 9am tapos 10pm ng gabi umuwi na ko😅 normal delivery kasi at wala namang problem kay baby. Saka naaasikaso ka talaga. Hindi pareho sa hospital na madalas galit mga nurse and doctor. Pababayaan ka lang. At ang dami nyo pang nanganganak ng sabay sabay. Saka covered naman ng philhealth ung sa lying in kung saan ako nanganak. Convenient pa kasi malapit lang. Hindi ka mahihirapan sa mga follow up check up. Ung doctor na OB ko, siya na rin ang pedia. Magaling silang lahat dun. Very professional.

ok nmn po manganak sa lying in.. Ksi sa lying in ako nanganak sa first baby ko.. sinadya ko po tlga sa lying in manganak pra mas mkatipid .Pero nagpapacheck up aq nun sa private hospital pati sa brgy. pati na din sa lying in.. every month 3 times aq nagpapacheck up.. ksi balak ko tlga if kya sa lying in sa lying in pag hindi eh di sa hospital atleast may option.

ok nmn Mie sa lying in po.. 1st baby ko sa lying in lang din po ako ..pero mga naunang check up ko po is sa private ob, then pag uwi ko ng province sa lying in na po ako nagtuloy..di ko rin kasi bet manganak sa public hospital lalot dami na naka experience na di talaga naasikaso ng maayus..ganern☺️ goodluck sayu mie and takecare❤️

nasa 4k naging bill namin ni baby with Philhealth na po yun..pero depende sa ibang lying in..iba iba din po kasi sila ata.. pag sa public hospital ka na with Philhealth parang mas mura pa din po ata, not sure po😌 mas nakampante lang din po kasi ako sa lying in hehe😁

ako mi. public hospital pero private doc/ ob ko nagpa anak sa akin.atleast un ako lang inoobserve ng private doctor. Yun din napagdesisyonan namin ng hubby ko tho medyo mahal pero atleast panatag ako at ung asawa ko.mabait pa ung OB namin. Pero oks lang din naman lying in e. wala silang ibang binabantayan maliban sa manganganak at naglalabor.

Totoo FTM ako. Ganun talaga karamihan sa public hospital kupal pagtrato sa mga buntis. Manganganak ka na lahat lahat bubungangaan ka pa. Ayaw ata nila sa trabaho nila, nung sakin bumulong pa sila ng "ano ba yan may manganganak na naman". Pinauwi nila ako mga 3am, di ko na kinaya lumabas baby ko 5:58 am. Ilang beses na nirereklamo walang nangyayari.

tru mamsh kaya ako hays last na to hahahaha kaya nag lying in ako kasi mas malapit compare sa hospital at ayaw ko na rin mag public. Sending warm hugs mii. ❤️

ako po nung nanganak ng march sa first baby ko sa lying in din, tas kakausapin ka nila kung ano gagawin mo habang manganganak para madaling lumabas ayun 3 ire lang lumabas na baby ko. tsaka asikaso talaga ng todo at dami nila ituturo sayo lalo't ftm ako. kaya kung mag aanak ako ulit sa lying in na pipiliin ko.

ako sa 2kids ko lying in po ako nanganak..wala naman problema halos ok naman lahat at malinis naman ang clinic mabait pa lahat ng staff ngayon for my 3rd babies sa lying in parin ako manganak..kc mas comfortable ako kesa sa public hospital..

Ako mi mas pinili ko lying in kesa public hospital, mami ko kase public hospital panget daw mga ugali karamihan ng nurses dun, hahahaha. Sa lying in mababait sila at safe pa baby dahil walang mga may sakit na pumupunta dun unlike hospitals.

Yes na yes alagang alaga pa kami ni baby sa lying in. Hehe unlike sa public hospital sa sobrang dami nila pasyente matatarayan at di sainyo makakapagfocus ang mga nurses or doctor.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles