Lying in or hospital?

Naguguluhan ako san ako manganganak? Taga Lucena Quezon po ako. Iniisip kong mag lying in na lng kasi parang maganda at malinis yung lying in malapit samin. Yung mga public hospital kasi dito ang creepy. Pero dami nagsasabi na mas okay p din daw sa hospital. Dipo namin afford magprivate hospital. #pleasehelp #firstbaby #27weeks

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kakapacheck up ko lang sa lying in but simula 8weeks ako private hospi ako and private ob. Sinuggest rin talaga ng ob sa lying in na kapag first baby sa hospital rin talaga dadalhin dahil pinatupad na daw yung batas na kapag unang anak hospi talaga need. Kung icocompare naman ang lying sa hospital mas maganda hospital dahil kumpleto ang gamit. di gaya sa lying in kapag nagkaproblema ka while labor isusugod ka rin sa hospital. Base on my experience mas maganda talaga hospital dahil sure ka na maasikaso kayo ng baby mo dahil kumpleto naman gamit nila maski sa public man.

Magbasa pa

Sa na experience ko po, mas pinili ko po mag lying inn kasi tutok talaga sila sayo at mababait ang mga staff, unlike hospital sabi mo nga di mo afford mag private, so better sa lying inn ka nalang kasi sa public hospital napaka pangit ng serbisyo, naninigaw pa mga nurse..ganyan dito sa amin kaya hindi ako nag public hospital..sa first baby ko hindi ako nagsisi na sa lying inn ako nanganak, super maalaga nila

Magbasa pa

1st baby mo ba mi? if Wala ka nmn nararamdaman Bago manganak or ngkasakit mag lying in ka mas malinis talaga dun at maaalagaan ka dun. may Lying in nmn na may oxygen if need mo.. sa ospital expect mo na hnd ka maxado aalagaan or papansinin pa pag hnd ka pa mnganganak talaga. sana makatulong

Kung maganda naman reputation ng public hospital sa inyo, go na sa hospital. Dito kasi sa Manila last option ko sa hospital. Lying-in tlga ang bet ko kasi sobrang hands-on nila. Also, mostly sa lying in ngayon di na natanggap ng ftm based sa policy ni doh. Goodluck mi!

If ftm mas maganda talaga sa hospital kasi di naman talaga din natin masisigurado na normal delivery kahit pa okay lahat ng laboratories, yung score sa bps etc.. Pag kasi sa lying in normal delivery lang sila di pwede pag CS. Irerefer ka din nila sa hosp pag ganun.

sa QMC ako nanganak. maganda naman don. malinis at inaasikaso ka.. wag lang masyadong maarte since napakaraming pasyente.. wala pa kaming binayaran. tyaga ka lang rin pumila para magpachek up. madalas 3am ako napila dahil galing pa ako sa malayo

hospital para if ever man ano mangyari sa inyo ni baby nasa hospital ka na

kapag first baby talaga nirerecommend manganak sa hospital