Buntis o Hindi?

Hi mga mii.. nag pt ako nung katapusan ng August pero nag positive, faint line lang... then nag pt ulit ako after 3 days pero negative na lumabas. Nag pa check up na ko nung Sep 15 ang sabi may pcos ako.. regular menstruation ko dati pero etong last year naging irregular ako. Wala naman ako nararamdaman dati nung naging irregular ako... Tapos etong August sumasakit puson at likod ko kaya napagpasyahan ko mag pt, mabilis din ako magsawa sa pagkain. Hindi ko pa binibili yung gamot na nireseta sakin nung doctor kasi hindi ako satisfied sa check up nya dahil di nya pinaliwanag sakin ng maayos. Eto naman nung nakaraang linggo nag simula pananakit ng dibdib ko, hindi naman sya masakit na masakit... kumikirot lang minsan. At pag dating ng hapon at gabi nagsisimula na sumakit yung likod saka puson ko, minsan yung gilid ng puson. Litong lito na ko kung dahil ba sa pcos to o buntis ako 🥺

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pa transv ka sis, wala ba naligaw na dominant focile na naligaw sa ovaries mo? wala ba nakita ob mo, me pcos din kasi ako. before ko malaman na buntis ako me isang dom fosile eh tas egg pala un. tas sobra sakit ng puson ko nun na para kong na tatae mga one week un tas sulpot sulpot lang kirot nya one side lang din kung san nandon ung egg,. tas after 2weeks boom ayun nag pt ako preggy na.

Magbasa pa
2y ago

palitan mo ob mo mi kung di maxado marunong mag paliwanag😅

Magpa-ultrasound po kayo para malaman niyo kung buntis po kayo or hindi. Kahit walang doctor’s request pwede po yun. Basta dun po kayi punta sa clinic na OB-Sono ang naguultrasound.

TapFluencer

Pa2nd opinion ka po sa ibang OB if hindi kayo satisfied sa una. We don't really know din po about diyan because based on experience, magkapareho ang symptoms ng pcos at pregnancy

mag pa serum test ka po.. very accurate ang result

pa transv ka ulit

2nd opinion ka