Postpartum Depression

Hi mga mii, hindi ko alam kung PPD tong nararanasan ko. Nanganak ako Oct. 15, Namatay ung mother ko Oct. 29. Sobrang nakaapekto sakin ung pagkamatay ng mama ko, Halos mawalan ako ng lakas? pag umiiyak ung LO ko tapos hindi ko mapatahan napag isipan ko sya na kurutin ? pero pag nakikita ko ung face nya naiiyak nalang ako tapos manghihingi ng sorry? Ilang days nadin ako puyat. Ayaw nya kasi magpalapag. Ang iyakin. Mabilis din mag init ulo ko. Pag nag iisa ako, Nakakaramdam ako ng lungkot. Tapos iiyak na naman?? ang hirap kasi, yung kakapanganak mo papang tapos sumabay pa mawala ung taong napaka importante sayo? ayoko kasi dumating sa point na masaktan ko anak ko, Wala din ako makausap. Kasi ung taong lagi ko pinaglalabasan ng sama ng loob. Kasama na ni god?

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Stay strong Mi.. alam ko madali sabihin pero yun talaga ang need mo gawin now.. For your baby. I hope you’ll find the peace and strength you need ? Pray lang