Postpartum Depression

Hi mga mii, hindi ko alam kung PPD tong nararanasan ko. Nanganak ako Oct. 15, Namatay ung mother ko Oct. 29. Sobrang nakaapekto sakin ung pagkamatay ng mama ko, Halos mawalan ako ng lakas🥺 pag umiiyak ung LO ko tapos hindi ko mapatahan napag isipan ko sya na kurutin 😭 pero pag nakikita ko ung face nya naiiyak nalang ako tapos manghihingi ng sorry🥺 Ilang days nadin ako puyat. Ayaw nya kasi magpalapag. Ang iyakin. Mabilis din mag init ulo ko. Pag nag iisa ako, Nakakaramdam ako ng lungkot. Tapos iiyak na naman😭🥲 ang hirap kasi, yung kakapanganak mo papang tapos sumabay pa mawala ung taong napaka importante sayo🥺 ayoko kasi dumating sa point na masaktan ko anak ko, Wala din ako makausap. Kasi ung taong lagi ko pinaglalabasan ng sama ng loob. Kasama na ni god😭

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

wag mo sanang saktan si baby mii inhale exhale mii baby yan, siguro po as a mother din age talaga nila ng 1-2 months yung pinaka sobrang clingy nila nag aadjust pa kasi sila mii tiniis ko lang din yan mag isa kasi yung tatay ng baby ko di na nag pakita, gawin mo nalang na lakas si baby, pag patong naman ng 3months mommy hahaba na ng 3-4hrs sleep nila then nag papalapag na. Kaya mo yan mii laban lang.

Magbasa pa
2y ago

alam ko din po yung feeling ng mawalan pero blessing po si baby sa buhay mo magiging ok din ang lahat

Related Articles