How to get over disappointment

Hi mga mii. Currently pregnant po sa third and last baby ko. I already have two girls and I feel so blessed to have them. Kaya lang kada nagbubuntis ako I am hoping for a boy kasi yun yung gusto rin ng husband ko. Ngayon dinedelay ko yung pagpapa ultrasound ko kasi natatakot akong madisappoint kung babae ulit. Tho syempre ang dasal ko is a healthy baby naman pero kung pwede pa humiling ng isa pa is kung pwede boy na sana. Hindi ko maalis sa dibdib ko yung guilt na madisappoint just because Hindi natupad yung prayer ko about sa assigned sex at birth ng mga anak ko. How do I deal with this. I said last baby na kasi this will be my third CS. And I was told na ilaligate na daw yun even without consent.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello Mhi, pray ka lang po walang imposoble kay Lord. Wag ka po madisappoint kung ano po ibigay ni Lord kasi po may purpose ang lahat. Tama ka po na pray ka lang na healthy si baby yun ang pinakaimportante walang sakit at maging normal lahat. Ganyan din po ako dati sa 1st baby ko want ng asawa ko girl. Siyempre bilang asawa gusto natin mapasaya sila sa gender ng baby natin, parang di natin kakayanin yung itsura nila kung madisappoint sila. But mommy ang important kahit maging ano gender ni baby maging safe kayo dalawa. Wag ka po magpakastress sa ganong isipin. Mind set mo na lang po na hindi natin alam kung ano ibibigay satin ni Lord, kaya pasalamat tayo kung ano po ang nandiyan alagaan at ingatan natin.

Magbasa pa

HI! im feeling the same RN. my 1st is a boy and im hoping for a girl (currently pregnant) nung nag gender reveal kami nadisappoint ako kasi boy ulit. ibang iba kasi pregnancy ko this time than the last time. kaya akala ko girl na. sadly not. im so guilty, pero mahal ko anak ko. nadisappoint lang talaga ako kasi nag expect ako na girl na, para tama na. ngayon di ko na lang masyado iniisip although sana nag kamali lang yung nag uultrasound. para akong nawalan ng gana Hahahaha. Basta maging healthy na lang sya, ayun na lang. Maaccept ko din to habang tumatagal, syempre anak ko to

Magbasa pa