Mga mommy pa advice naman po

Mga mii, ako lang ba? Ako lang ba yung everytime na may immyday about sa gamit ng baby ko eh nagkandarapa tumawag yung nanay ng partner ko. Para punahin lang yung binibili ko para sa anak ko? First baby ko to kaya excited ako na bumili ng gamit niya. Nagiging emotional ako kasi para bang pakiramdam ko wala akong karapatan bumili ng gusto ko para sa anak ko. Lagi siyang naka sita na oh bumili na kayo ng gamit daming pera ha! Diba sabi ko ako na bibili sa september. Diko alam mii iba lang dating sakin. Pakiramdam ko pinapakialam niya desisyon namin sa buhay lalo sa bata. Gusto ko lang naman mafeel na ako bibili at pipili sa mga gamit ng anak ko dahil nga first baby ko to. Naiiyak ako nagiging emotional ako. Mali ba to g nararamdaman ko? Going 30weeks nako pero ever since kahit di pako buntis everytime may nakikita mama niya sa myday ko or myday ni hubby nagrereact agad sya. Diko na alam san lulugar, kaligayahan ko lang naman yung mabilan ko ng gusto ko yung baby ko dahil diko naman naranasan noon hanggang lumaki ako na mabilan ako ng magagandang gamit ng mama ko. 😥 Mali ba ko ng pag iisip ano ba dapat kong gawin. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako dikami naka bukod pero nag bibigay naman partner ko every Saturday kaso 500 nga lang mababa lang kasi sahod nya pero pag may desisyon kami kagaya ng bibili foem,gamit ni baby, electric fan ay kumokontra sya keso ganyan keso ano halos partner kona din nag pundar ng pag pagawa ng bahay nila 50k na nabigay pero may sumbat padin sya sa mga anak nya na keso madami sya utang di nyo alam mga gastos dito sa bahay eh di naman ako nakakakain ng maayos sakanila kasi late sila kumain or di sila nag aalok minsan kaya nag provide din ako pang kain ko minsan andami nyang anak na nag work 4500 every Saturday natatanggap nya tas di pa kami nakakain ng maayos minsan nag aambagan pa kami dito sa oang bili ng ulam pero andami nya padin utang kaya naiisipan ko bumukod kaso partner ko di maiwanan parents nya kasi matatanda na kaya hinahayaan ko nalng na ganon buti kahit papaano strong baby boy ko at di sya na malnourished kahit di ako nakakain ng maayos kase pag may pera kami natatabi para sa baby namin hinihiram nya wala na balikan tas minsan pag may nangungutang sakanya kami lagi tinuturo di sya makapag adjust kahit unti na may pangangailangan na kami kaya lagi siguro sya against pg may bibilhin kami kasi pag di kami nakabili uunti untiin nya ng hiram pera namin tas nangingielam pa na panay daw ako higa mahihirapan daw ako manganak nakunan na kasi ako kaya bed rest ako kahit di sinasabi ni ob kasi ayoko naman mapaaga ang anak kasi tumitigas madalas chan pero nawawala din naman at may parabg natusok sa pempem ko kaya higa lang muna ko 33 weeks and 5 days palang kasi ako pero para syang doctor na kala mo makapag ano alam na mahihirapan ka manganak kaya di ako nakikinig sakanya nag tatanong ako sa ob kung totoo ba kaya dikona sya pinaniniwalaan kahit nag susumbong ng kung ano ano sa partner ko

Magbasa pa
3y ago

bumokod na kayo sis.. kako nga kahit magdildil na kayo ng asin ng asawa nio walang katumbas ung may peace of mind.. may mga in law talaga na bnigay mo ba lahat ng pabor at pakikisama pero waley pdn hindi marunong mag appreciate.. ako nga nun halos parang cinderella na sa bahay nila.. ung mga hipag q hindi marunong magsilinis may nasasabi pdn sa gawain q.. daig q pa ung de sweldong katulong kung punahin.. hayyyss.. kaya nagsawa na talaga ako kaht mahirap sa umpisa nagbukod talaga kami mag asawa. 🤣