Mga mommy pa advice naman po

Mga mii, ako lang ba? Ako lang ba yung everytime na may immyday about sa gamit ng baby ko eh nagkandarapa tumawag yung nanay ng partner ko. Para punahin lang yung binibili ko para sa anak ko? First baby ko to kaya excited ako na bumili ng gamit niya. Nagiging emotional ako kasi para bang pakiramdam ko wala akong karapatan bumili ng gusto ko para sa anak ko. Lagi siyang naka sita na oh bumili na kayo ng gamit daming pera ha! Diba sabi ko ako na bibili sa september. Diko alam mii iba lang dating sakin. Pakiramdam ko pinapakialam niya desisyon namin sa buhay lalo sa bata. Gusto ko lang naman mafeel na ako bibili at pipili sa mga gamit ng anak ko dahil nga first baby ko to. Naiiyak ako nagiging emotional ako. Mali ba to g nararamdaman ko? Going 30weeks nako pero ever since kahit di pako buntis everytime may nakikita mama niya sa myday ko or myday ni hubby nagrereact agad sya. Diko na alam san lulugar, kaligayahan ko lang naman yung mabilan ko ng gusto ko yung baby ko dahil diko naman naranasan noon hanggang lumaki ako na mabilan ako ng magagandang gamit ng mama ko. 😥 Mali ba ko ng pag iisip ano ba dapat kong gawin. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

52 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako dikami naka bukod pero nag bibigay naman partner ko every Saturday kaso 500 nga lang mababa lang kasi sahod nya pero pag may desisyon kami kagaya ng bibili foem,gamit ni baby, electric fan ay kumokontra sya keso ganyan keso ano halos partner kona din nag pundar ng pag pagawa ng bahay nila 50k na nabigay pero may sumbat padin sya sa mga anak nya na keso madami sya utang di nyo alam mga gastos dito sa bahay eh di naman ako nakakakain ng maayos sakanila kasi late sila kumain or di sila nag aalok minsan kaya nag provide din ako pang kain ko minsan andami nyang anak na nag work 4500 every Saturday natatanggap nya tas di pa kami nakakain ng maayos minsan nag aambagan pa kami dito sa oang bili ng ulam pero andami nya padin utang kaya naiisipan ko bumukod kaso partner ko di maiwanan parents nya kasi matatanda na kaya hinahayaan ko nalng na ganon buti kahit papaano strong baby boy ko at di sya na malnourished kahit di ako nakakain ng maayos kase pag may pera kami natatabi para sa baby namin hinihiram nya wala na balikan tas minsan pag may nangungutang sakanya kami lagi tinuturo di sya makapag adjust kahit unti na may pangangailangan na kami kaya lagi siguro sya against pg may bibilhin kami kasi pag di kami nakabili uunti untiin nya ng hiram pera namin tas nangingielam pa na panay daw ako higa mahihirapan daw ako manganak nakunan na kasi ako kaya bed rest ako kahit di sinasabi ni ob kasi ayoko naman mapaaga ang anak kasi tumitigas madalas chan pero nawawala din naman at may parabg natusok sa pempem ko kaya higa lang muna ko 33 weeks and 5 days palang kasi ako pero para syang doctor na kala mo makapag ano alam na mahihirapan ka manganak kaya di ako nakikinig sakanya nag tatanong ako sa ob kung totoo ba kaya dikona sya pinaniniwalaan kahit nag susumbong ng kung ano ano sa partner ko

Magbasa pa
2y ago

bumokod na kayo sis.. kako nga kahit magdildil na kayo ng asin ng asawa nio walang katumbas ung may peace of mind.. may mga in law talaga na bnigay mo ba lahat ng pabor at pakikisama pero waley pdn hindi marunong mag appreciate.. ako nga nun halos parang cinderella na sa bahay nila.. ung mga hipag q hindi marunong magsilinis may nasasabi pdn sa gawain q.. daig q pa ung de sweldong katulong kung punahin.. hayyyss.. kaya nagsawa na talaga ako kaht mahirap sa umpisa nagbukod talaga kami mag asawa. 🤣

naku momsh.. dedmahin mo nalang.. ganyan din yung MIL ko. wag daw bilhan ng bagong gamit ang baby namin kasi daw masasanay daw. e anong gagamitin ng anak ko? makasita sya. wala naman syang ambag na kahit na ano samin ng anak ko. hindi naman nya pera pinambili namin. pero kung makademand sa asawa ko na kesyo bilhan sya ng ganito. bilhan ni hubby yung mga pamangkin nya ng ganito.. kala mo may patago na limpak limpak na salapi. tapos yung anak ko ayaw pabilhan ng bagong gamit. e apo naman nya yun. yang mga ganyan momsh hindi na yan dapat pinag-aaksayahan ng oras. kasi kahit na anong gawin naten ATM at pensyon pa din ang tingin nila sa mga asawa naten. kaya ako dedma nalang. basta wag nilang kunin yung samin ng anak ko. bahala sila sa mga buhay nila.

Magbasa pa

Hindi ka nag iisa momsh yung MIL ko simula paglilihi ko, bumili lang ako pizza ksi gusto ko aba nmn dami na sinabi kesyo daw bili daw kami ng bili.. tapos nung lumabas na yung anak ko nag 6mos na mxadong pakialamera sa ipakakain ko sa anak ko, gusto niya lagayan daw ng asukal ang pagkain ksi hindi daw gusto ng anak ko walang lasa yung tipong mas marunong pa siya sa nanay.. nakaka asar diba.. naku momsh kung hindi nmn kayo sakanila nakatira deadmahin mo nlang, o kaya sabihin mo "ma kung gusto niyo po bilhan ng gamit anak ko pwede nmn po matutuwa pa nga ako, pero hayaan niyo din po ako mamili ng mga gusto ko para sa anak ko, tas sabay request ka kung ok lang po sa inyo bilhan niyo si baby ng bluetooth baby rocker tsaka ng kuna" o diba 😁✌️

Magbasa pa
2y ago

Tita nga lang po tawag ko sknya hahahahaha

customized mo nlng sis mga posts mo ung tipong di nia maviview.. may ganyan tlagang mga in laws.. hindi mo malaman kung insecure b sayo.. set boundaries nlang. your family your rule..ikaw ang reyna ng pamilya mo.. dont let anyone na magdikta lalo kung alam mong tama naman ang gngawa mo.. but preserve the respect in a way na wag mong ssgutin ng pabalang. silent treatment nlng sis. more talk.. more mistake. dagdag ko sis.. f di pa kayo nakabukod. bumokod kayo.. iba ang peace if mind kahit na magdildil nlng kayo asin sis.. mas masarap ung peace of mind.

Magbasa pa
2y ago

ganyan dn ako.. ipagpasalamat ko nalang na during those years na nandun kami sa knila hindi ko talaga nasagot ng pabalang in law ko siguro kasi mbabait saken hipag q..un nalang ang iniisip q nun.. pero alam mo ung nagpaka cinderella ako s knila halos maglinis na ako everyday para sa pakikisama pero may maikukutya padn sya sa nga gngwa q daig q pa katulong... nako nakakainis pero tahimik nlng.. kaya talagang sinikap qng magbukod kami kaht alam kong malaking adjustment pero ok lang.. sarap sa pakiramdam ung walang pakialamera.. hindi sya mka epal ngayon kasi mas malaki kita q sa anak nia.. may sarili na kaming bahay kahit rights lang.. kahit papaano kompleto gamit ,may sariling tricycle.. at wala kaming inaasa sa knila unlike ng ibang anak nia na nandun naka siksik pdn sa knila sa bawat problema.. ito nalang naging sampal ko sa kanya. 🤣

toxic ang ganyang tao,masyadong nangingialam.mangialam sana sya kung nanghihingi ka ng pera sa kanya,e kung hindi naman dba..mga ganyang tao,kulang sa pansin.dedma mo lang,wag mo nangpansinin.pasalamat pa nga dapat kasi nagsisinop ka para sa gamit ng apo nya.d kayo nasandal sa kanila para makabili ng gamit ng Bata..yung kasabihan tlaga na,pweding mamili ng asawa,pero hindi ang beyanan.bunos nlang talaga kung ang ang maging in laws mo ay mabait at supportive.

Magbasa pa

ako nga pag may binabalita akong maganda after ultrasound ko sa in law ko lagi nalang syang may kontra para bang di sya masaya like for example sabi ko pumwesto na si baby at 2,8 kilos na sya sa loob imbis na matuwa sya na malusog at healthy apo nya sabi pa nya "Jusko bat di ka mag diet, Akala moba ma i nonormal mo yan wag mo masyado pagmalaki baka ma cs ka" e mismong ob ko ang sabi kumain ako ng kumain dahil wala naman akong problema sa sugar at ano pa.. kairita 🥴

Magbasa pa
TapFluencer

I can totally relate! First baby din namin, pero yung feeling na bawat purchase mo chinecheck, then may sasabihin pa na 'sana dito ka na lang bumili or sana ganito na lang binili mo'. Iniiyak ko na lang din noon, hanggang sa nagagalit yung hubby ko kasi iniisip ko yung sinasabi ng MIL ko. Pero don't worry mommy, para yan sa baby mo, wala naman tayong ibang hangad kundi yung best lang para sa babies natin. Cheer up! Hanap ka din ng support kay hubby mo ☺ ingat always

Magbasa pa
2y ago

Yung MIL ko po kasi pag pumupunta or nakikita sami laging bukang bibig. "oh may gamit na kayo daming pera ha! yamaaan!!" parang ang sarcastic lng. Tsaka never naman ho akong nagtaray saknya. To be honest pagkausap ko siya laging po at opo marespeto kasi ako sa mas older sakin lalo sa parents ni hubby. Kaya madalas pag may attitude siya sa kay hubby nlng ako nagrarant. And kung alam niyo lang kulang pa yung ilang thank you sa always kong pagtthank you sknya. Di ko lang talaga gusto ugali niya in terms of pangingialam o pagdedesisyon. Kasi asawa ako pero kinakausap niya hubby ko para sundin yung gusto niya ni hndi man lang binibgyang pansin yung desisyon o opinion ko. Buti nlng si hubby ang laging sagot niya pagusapan namin dalawa ni (insert name ko*). Hindi lang din sa bata maraming beses na since di pa ko buntis. Dika makakagastos ng pera niyong mag asawa pag nandon ka sakanila kasi laging pinupuna. Salamat mi. Hays. Maiiyak ka na lang tlaga minsan.

VIP Member

reply in a nice way nalang po kahit bwisit n tayo .. like .. "ay ndi naman po. mura ko lang po nakita sa shopee ito.. wala pang 100 bla bla nakakatuwa at nakaka excite lang po kasi si baby " ... then you can also reply about her wanting to buy something for the baby by September din... I know nakaka emotional pero kelangan ntin mging strong and prepared s mga gnitong MIL hehehe st makisama nadin.

Magbasa pa
2y ago

yun nga mii hindi talaga ako nagsasalita about jan tahimik lang ako hinahayaan ko lang sya si hubby na lang yung nakakausap ko about jan

Ako di pa ko naka experience nga ganyan sa byenan ko pero sa kapatid ng asawa ko magalingin nangengealam kung saan ako manganganak kesyo sa ganito daw mura lang eh syempre first baby namin kailangan maalaga pa kami eh hindi naman pati sila gagastos pag aanak ko kami din ni mr, kaya hayaan mo lang byenan mo momshi may ganyan talagang tao magalingin na ewan! isipin mo lang si baby mo wag mag paka stress ❤️

Magbasa pa
VIP Member

iwasan nalang po imyday pag may mga nabibiling gamit para kay baby. sakin nun hindi ako nagpopost ng mga pinagbibibili ko pero pinipicturan ko at sinisend kay hubby. para iwas na rin na may masabi ibang tao. pero kung gusto din talaga ishare icustomized mo nalang yung sa kung sino makakakita ng myday mo. para sure except mo mama niya tapos ibang tao na alam mong pwedeng magparating sa kanya

Magbasa pa