52 Replies

Mi, pagdating sa mga gagamitin ng baby praktikal talaga ang mga nanay natin or biyenan kasi experienced na nila. Tayo naman na baguhan pa lang di maiwasang mag bili ng kung ano2 para sa anak natin kasi excited din pero in the end hindi din pala magagamit 😂Ayaw ko lng dun sa part na nag re-react sya sa inyo mag-asawa kasi di naman talaga tama yun na sa lahat ng bagay eh pinapakealaman kayo 😂.

practical din po ako mi, yung importante lang din naman binibili even if I am FTM alam ko na po anong dapat kasi sakin po lumaki tatlong maliliit kong kapatid, ayoko lang na pinaparamdam sakin na wala akong karapatan bumili o gumastos kasi First baby ko excited ako bumili alam ko din naman limitation sa pagbili. Kaya diko maisip san hinuhugot yung laging pagsita, hindi naman ako tatanga tanga na bili lang din ng bili. ☺️

Ituloy niyo lang po pag myday ninyo para ma-stress si mil. 😆 Kung hindi naman sa kanya galing yung pinambibili ninyo, wag kayo paapekto. I-enjoy niyo na lang po mga nabibili niyo para sa baby, siya lang alalahanin ninyo. Puro salita lang naman magagawa ng mil ninyo kaya wag niyo pansinin o pag tumawag, ilayo niyo muna cellphone hanggang matapos siyang magsalita para di niyo marinig.

TapFluencer

As a first time mom, you will feel all the exciting things. That includes the shopping!! For me, as long as it is your own money and you can manage your money well the I don’t see any problem with that. As a first time mom.. Don’t let anyone take your happiness. It makes me the happiest when I am able to provide and buy something for my baby. Whatever it is.

Salamat po kasi may nakakaintindi sakin. ☺️

TapFluencer

ignore mu nlng mii, as long as alam mu sa sarili mu na tama ginagawa mu at nagiging masaya ka naman hayaan mu nlng, ganyan din sila dito sakin sa bahay araw araw daw may parcel, sabi ko naman wala naman kaming aasahan na darating na gamit or pera na pambili ng biglaan kaya mabuti ng magunti unti, buhay ko to my life,my rule my decision ,

ako nga po namili na din ng gamit ng baby ko, wala naman silang pake kasi pera ko yun pinagtrabahuan ko, kahit yung asawa ko di nagbibigay ng pera kasi yung sahod nya iniipon nya para sa panganganak ko, sayo mii gawin mo lang makakapagpasaya sayo lalo't excited ka tulad ko na first time mom din, go lang mii.. hayaan mo byenan mo😅😅

Pwede mo po i customize yung story mo.. i hide mo sa mga friends mong alam mong walang magandang sasabihin and magdudulot lang ng stress sayo. Ganyan po ginagawa ko, now i can freely post a story and even sa timeline.. Pwede mo rin siya icustomize kung sino lang makakakita ng post mo.. hope it helps 😊

VIP Member

Legit yang nararamdaman mo. Okay lang yan. I suggest wag mo nalang pansinin. Dagdag stress pa sa’yo eh masama yan sa buntis. Sabihin ko sana unfriend mo na agad pero naalala ko na mother-in-law mo nga pala. Haha! I-hide story from _____ mo nalang para bawas stress. Hihi 😉

Naeexperience ko yan dati, pero hindi naman sila nagsasalita pero nararamdaman ko at nakikita ko sila na hindi natutuwa kapag may binibili ako na gamit para sa mga anak ko noon. hindi mo malaman kung naiinsecure ba o gusto nila sila bumili. Maraming ganyan talaga momshie :(

Hide mo nalang yung myday mo sakaniya Mi para di niya nakikita. Ganiyan din MIL ko. Nakikielam. As long as di niyo hiningi sakaniya ang pambili, wala siya dapat pakielam. Natuto nalang din akong pasok sa kanan, labas sa kaliwang tenga pag may sinasabi siya.

hehehe wag nalang ipost mi. para mas mapapaisip yun. pag dalaw niya sa inyo... "ay kompleto pala, very good, mga anak. ano pa kailangan ni apo?" then tell her na "okay naman na mommy, no need to worry po." then thank her for being so caring na lola. hehehe

mabuti po sana kung ganon eh di nama po ganon kasi ilang beses ng nagpupunta laging ang bungad "oh may gamit na kayo daming pera ha! yamaaan!!" parang ang sarcastic lng. Tsaka never naman ho akong nagtaray saknya. To be honest pagkausal ko siya laging po at opo marespeto kasi ako sa mas older sakin lalo sa parents ni hubby. Kaya madalas pag may attitude siya sa kay hubby nlng ako nagrarant. And kung alam niyo lang kulang pa yung ilang thank you sa always kong pagtthank you sknya. Di ko lang talaga gusto ugali niya in terms of pangingialam o pagdedesisyon. Kasi asawa ako pero kinakausao niya hubby ko para sundin yung gusto niyo ni hndi man lang binibgyang pansin yung desisyon o opinion ko. Buti nlng si hubby ang laging sagot niya pagusapan namin dalawa ni (insert name ko*). Hindi lang din sa bata maraming beses na since di pa ko buntis. Dika makakagastos ng pera niyong mag asawa pag nandon ka sakanila kasi laging pinupuna.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles