To love again?
Mga mi wag nyo sana ako ijudge, gusto ko pang sana ishare at malaman if ano gagawin ko, Kasi po 5 months na po LO ko, iniwan kami ng tatay nya since day 1 ng pag bubuntis ko, at ngayon meron nanliligaw sakin, and ramdam ko na ito na talaga yun, gusto ko mag mahal ulit pero, iniisip ko baka kung ano sabihin ng mga tao sakin na maliit pa baby mag aasawa nanaman, o kung ano pa man, mga mi ano gagawin ko? Kasi iba ung pakiramdam ko dito sa lalaki na ito actually matagal na kami mag kakilala schoolmate ko sya nung hyskol at nag amin din sya sakin na noon pa man gusto na nya ako kaso bata pa sya nun, mga mi ipag papatuloy ko ba? O hindi nalang? Kasi binigyan ko sya ng chance, sabi ko sakanya wg muna kami mag madali, i build muna namin ung love at trust kasi gusto namin maging tamang tao na para sa isat isa.π₯Ί Ano gagawin ko mga mi.