financial support

Hi mga mi., tama bang mainis ako pagka nagbibigay ng financial support yung husband ko sa mga half siblings nya., yung mother in law ko walang work., tuwing nagbibigay sya o humihingi sila ng pera hindi sinasabi sakin ng husband ko., tapos feeling ko parang gusto ng mother in law ko tulungan ng husband ko pag aaral yung mga kapatid nya., nasa 22k monthly sweldo ng asawako nagbibigay sya saken pangbayad lang din halos sa utang at panggastos kay baby., nakatira kami sa parents ko at ako lang yung laging nagseshare ng gastos sa food., hindi ko masabi sa kanya na dapat mag ipon din naman kami para sa future ng baby namin., nahihirapan na ako🥹

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Oke lang yang nararamdaman mo mie. Kung asa ganyan din akong sitwasyon ay maiinis din ako. Kung minsan lang sana ay oke lang na manghiram or humingi sila pero ibang usapan ung sasaluhin ni husband mo lahat ng gastusin sa kabila. Kausapin mo na lang siya na oke lang magbigay pero hindi ung parati tsaka know your limitations at kakayanan ninyo. Kailangan niyo ding mag ipon lalo kapag may mga emergency kayo at least may mailalabas kayo. Sa side naman ni husband mo intindihin mo na lang din sila,baka nga walang wala din. Ang solusyon dito mie ay kausapin mo husband mo.

Magbasa pa