financial support

Hi mga mi., tama bang mainis ako pagka nagbibigay ng financial support yung husband ko sa mga half siblings nya., yung mother in law ko walang work., tuwing nagbibigay sya o humihingi sila ng pera hindi sinasabi sakin ng husband ko., tapos feeling ko parang gusto ng mother in law ko tulungan ng husband ko pag aaral yung mga kapatid nya., nasa 22k monthly sweldo ng asawako nagbibigay sya saken pangbayad lang din halos sa utang at panggastos kay baby., nakatira kami sa parents ko at ako lang yung laging nagseshare ng gastos sa food., hindi ko masabi sa kanya na dapat mag ipon din naman kami para sa future ng baby namin., nahihirapan na ako🥹

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi 😊 ganyan din ang case ng akin pero wala pa naman kami anak, kaso ung asawa ko may anak sa pagkabinata, pero ang mga kapatid niya palagi hingi ng hingi, malaki konti sahod ng asawa ko around 20-25k a month kaso may utang din kami binabayaran at budget pa namin magasawa at padala pa sa anak niya, sobra hirap ng ganyan na may asawa na ang anak nila, pero naasa pa rin, mas maganda talaga kapag nakabukod dahil dun mo mahahawakan ang pera ng mister mo, at sana maganda kung kausapain mo si husband mo para malaman niya, important din na makapagipon kayo magasawa. Ganyan din sitwasyon ko wala kami maippj dahil panay hingi naman kapatid ng asawa ko.

Magbasa pa
3y ago

mas maganda kausapin mo si husband, kasi sa tingin ko may karapatan tayong nga misis na malaman lahat ng gastos ni mister, ung asawa ko pinapabayaan ko siya na siya maghawak ng ATM pero pakiusap ko sa kanya wag na wag siyang magtatago sakin sa lahat ng gastos niya kung maari may resibo sa lahat, try mo kausapin si mister lalo na kung may anak kayo, mas lalong kaylangan niyo para sa future may huhugutin lalo na sa hirap ng buhay ngayon.