1month and 8days old baby

Hi mga mi! Sino po sainyo ang katulad din ni LO ko, every time na gigising sya umiiyak muna sya, walang gising na hindi sya umiiyak muna. Habang natutulog sya tapos nagulat, umihi, nagpupu or may narinig na maingay, iiyak na agad sya. Since nasa crib sya, sinasanay ko kasi sa tapik lang at hindi ko sya sinasayaw, after ko i breastfeed, burp at rest ng 30minutes bago ko sya ihiga sa crib nya. Feeling ko gusto nya na sinasayaw sya kasi kapag inuuga ko crib nya tumatahan sya at nakakatulog ulit. PS. May carpal tunnel syndrome po ako both hands, kaya less buhat po ako, kahit gustong gusto ko sya ihele ng matagal, hindi kaya. Nahehele ko after burp ng mga 30minutes. Tapos minsan nasa dibdib ko, nakadapa sya sakin. Any advice mga mi? Thank you.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sabi po ng pedia wag raw ipagkait ang hele kay baby especially ganyang age po nasa adjustment stage pa lang siya. Imagine 9 months siya sa loob ng tyan mo, nararamdaman niya warmth mo, nariring niya yong boses mo at tuwing gumgalaw ka na hehele rin sya tas biglang paglabas niya biglang mainit na, maingay na, di na niya maramdaman yong warmth mo..minsan hinahanap niya rin yong yakap or warmth mo kasi yon ang nakasanayan niya sa loob ng 9 monts mii, tagal rin niya sa loob mo nag a adjust pa po yan si baby mo wag mo ipagkait ang yakap at hele mo, minsan lang sila baby. soon malaki na sila di na niya need ng karga natin 💙

Magbasa pa
2y ago

thank you sa advice mi, nakalimutan ko sabihin na may carpal tunnel syndrome ako both hands, nagkaroon ako nung 8months pregnant ako hanggang ngayon andito padin. kaya medyo bawas ako sa pagbuhat kay baby. pero pinipilit ko. kasabihan kasi ng mga matatanda, wag ko daw ihele at masasanay. palihim ko nalang hinehele.