Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
First time mom of a Baby Boy
Multivitamins
Mga mi, ano po magandang multivitamins para kay baby? 1 year old and 1 month na po sya. Looking for vitamins na pampaboost ng immune system at pampagana ng pagkain. Thank you.
Baby Diaper Pants
Mga mi, 1 year old na si LO. Baby boy, heavy wetter Suggest naman po kayo ng diaper na affordable pero pwede po sa heavy wetter na baby. Okay din po sakin na magkaibang diaper sa day and night. Basta affordable po. Currently using Makuku (7-9times a day diaper change, hindi pa kasama kapag nagpoop si baby) for day diaper and EQ for night (1-2 times per night diaper change) for 12hrs sleep ni baby. Thank you!
Gray poops ni Baby
First time mom here 11months old po si baby. Kagabi nagpoops sya twice ng kulay gray na creamy texture. Then today po kulay gray po ulit poops nya na may konting yellow. Any experience po sainyo mga mi? First time po kasi nagpoops ng ganitong kulay si baby. Salamat po
Injectable contraceptive
Mi sino po sainyo sane situation ko? First time mom po ako. Nagpainject po ako ng injectables contraceptives sa ika 3rd day ng period ko nung May 15. Then this month July 1, nagstart ako magka spot spot then July 5 until now July 11, may period ako pero light lang. Normal lang po ba ito sa naka injectable na contraceptive? Thank you.
Inuubo si baby
Mga mi sino po dito na kakaexperience na inuubo si baby? Pero walang sipon, wala din plema or halak na naririnig. Napa check up ko na po sya, pinapa observe po sakin ng pedia kasi clear daw po si baby. Wala daw po ubo or sipon si baby. Pero inuubo po sya minsan, lalo na kapag tulog po sya.
Kulani sa likod ng ulo ni Baby
Mga mi palagi kasi nagkakamot ng ulo si Baby, sinundan ko kinakamot nya, may kulani na maliit sa likod ng ulo kabilaan. Tapos meron din malapit sa batok kabilaan na kulani. Napa check up ko na sya kanina, as per pedia nya iobserve ko daw po muna si Baby. Kasi kapag may kulani daw may nilalabanan na infection. Hindi ko maiwasan magalala. 10 months old baby boy po ang baby ko Baka may katulad po ako na case dito. Ano po advice ng pedia sainyo? Thank you.
Kamot ng kamot sa ulo si Baby
Mga mi sino po nakakaexperience na ang baby nila is nagkakamot ng ulo na may parang naiirita or naiinis. Worried po kasi ako sa baby ko, kapag tulog sya at biglang nagising nagkakamot ng ulo, kapag gising sya nagkakamot ng ulo. Chineck ko yung part na kinakamot wala naman po kahit ano, medyo namumula na po gawa ng kakakamot nya. Going 10months old na po si baby. Any advice po? Salamat.
Vitamins for baby
Mi any recommendation po, breastfeeding po si baby. Currently ang vitamins nya ay cherifer and ceelin drops. Pero parang payat po ang baby ko. Unlike nung 2months - 6months old siksik at malaman po sya. Mula 7months hanggang ngayon mag 10months na po sya, pumapayat po sya. Plano ko magpalit ng vitamins po. 4 times a day po sya kumain, vegetable puree sa morning, cerelac sa lunch, fruits sa mirienda and vegetable puree po ulit sa gabi.
Formula milk for 1year old baby
Going 10moths na si Baby. Plano ko po sana before sya mag 1year old is maghanapan ko na sya ng formula milk para may support po ako sa milk nya. May nakapagsabi po sakin na kapag pure breastfeeding pumapayat daw po si Baby kaya dapat makapag mix feeding daw po ako para hindi daw po mangangayayat si Baby. Totoo po ba ito? Ano po maisasuggest nyo na milk? May nakapagsuggest po sakin Lactum or Nido daw po.
Tumuba ang stroller sakay si Baby
Mi ano po pwedeng gawin, medyo malikot na po kasi si Baby, natumba po stroller kasama si Baby. Tumama po right na noo ni Baby sa sahig (tiles). Umiiyak po sya ng malakas agad pagkatumba hanggang sa binuhat ko sya para mapatahan. Hindi po sya nagsuka, hindi rin po naduduling eyes nya. Namumula lang po talaga noo nya tumama sa sahig. Padapa po ang pagbagsak nya. Chineck ko din po katawan nya, wala naman po ibang namumula or may pasa. Nagcold compress po agad ako sa namumula nyang noo. Naiyak lang sya kapag natatamaan yung namumulang noo nya. Going 10months na po si Baby. 😞