RESPETO SA ASAWA

Hello mga mi, share ko lang yung nararamdaman ko ngayon. Kinasal kami ng asawa ko nung July 28, 2020. Bale 5yrs kami mag gf/bf then 2yrs as husband and wife. Simula nung kinasal kami may mga ugali sya na nakita ko na wala naman nung mag gf/bf pa lang kami. Sobrang sakit nya magsalita, tuwing nag aaway kami talagang walang preno ang bibig nya syempre ako rin sa galit at inis ko sakanya nasasabi ko narin yung mga masasakit na salita sakanya. Hindi naman kami nagmumurahan. Oo inaamin ko minsan mali ako pero tama ba na pagsalitaan ako ng masama? Pag sya ang nagkakamali sinasabihan ko sya pero bakit pag ako ang nagkakamali parang sobrang bigat ng kasalanan ko? Nararamdaman ko na parang wala na syang respeto sa relationship namin. By the way may anak kami, at first time mom ako. Pasensya na mga mi kung mahaba. Masama lang ang loob ko. Minsan napapaisip ako parang nagsasama nalang kami dahil sa anak at sa business.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi. In my case hindi ko ginagawa sa asawa ko yung ayaw kong gawin sakin, kaya kapag may nagagawa siya (out of anger) na iba sa usual, pinapamukha ko sakaniya na kahit galit ako maayos parin ako makipag usap at never ako gumanti para wala rin siyang masabi sakin. Kaya napapagtanto niya rin at ina-ayos niya ang sarili niya. Although may mga lapses at shortcomings kasi hindi na maiwasan tao lang din. Importante naiintindhan niya mali niya, at willing siyang baguhin. At the same adjust din ako, para kapag galit siya hindi siya lalo matrigger.

Magbasa pa
3y ago

Thank you mi sa advice. ❤