Sex while 34 weeks pregnant.

Hi mga mi pa vent out lang ng sama ng loob. Lagi po ko kinukulit ng asawa ko makipag contact sa kanya lalo nung mga ilang buwan ko pa lang pero tumigil po kami nung 7 months na tummy ko kasi nag preterm labor po ako kaya pinagbawalan ako ni OB. Then last week po inaaya ako ng hubby ko na mag contact ulit (33 weeks na po ko non) sabi ko sa asawa ko pag nag 34 weeks na lang ako para kahit papano malapit na. Then eto na 34 weeks na po ako kaso bigla naman nagsasasakit puson at balakang ko kaya sabi ko sa kanya na wag muna dahil baka mamaya mapano na naman kami ni baby kung kelan malapit na manganak tapos ayun nagalit si hubby sakin, hindi ako kinausap. Ask ko lang mali po ba yung ginawa ko? Iniisip ko lang naman kapakanan ni baby. Tsaka nung last sex kasi namin nagkanda sakit sakit ako tas naging magastos sa check up at gamot tas nagalit siya non kesyo napaka gastos daw. Kaya hindi na rin muna ko makipag contact mamaya mag tuloy tuloy yung sakit tapos sabihin ang gastos hehe.

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Aware naman po hubby ko na bawal talaga dahil every pilit niya po sakin nun kinabukasan nasa hospital ako,as in labas pasok po talaga ko sa hospital kaso ewan ko po bakit pag di siya napag bibigyan nagagalit siya. Ilang beses na din po kami muntikan mag hiwalay about diyan, kinausap ko naman siya ng maayos but still ganon pa rin. Iniintindi ko nalang po at wala akong magagawa asawa ko na eh. Thank you sa mga sagot mi.

Magbasa pa
2y ago

Aware pala sya mi tapos pag napapagastos kayo dahil sa pagpilit nya magagalit sya sayo. Ilang taon na po ba mister mo bakit di sya makaintindi. Sorry mi pero naawa kasi ako sa kalagayan mo. Ayoko nung may kapwa ako babae tapos buntis pa na ganyan itrato ng asawa nya. Di mo deserve yan mi.