Sex while 34 weeks pregnant.

Hi mga mi pa vent out lang ng sama ng loob. Lagi po ko kinukulit ng asawa ko makipag contact sa kanya lalo nung mga ilang buwan ko pa lang pero tumigil po kami nung 7 months na tummy ko kasi nag preterm labor po ako kaya pinagbawalan ako ni OB. Then last week po inaaya ako ng hubby ko na mag contact ulit (33 weeks na po ko non) sabi ko sa asawa ko pag nag 34 weeks na lang ako para kahit papano malapit na. Then eto na 34 weeks na po ako kaso bigla naman nagsasasakit puson at balakang ko kaya sabi ko sa kanya na wag muna dahil baka mamaya mapano na naman kami ni baby kung kelan malapit na manganak tapos ayun nagalit si hubby sakin, hindi ako kinausap. Ask ko lang mali po ba yung ginawa ko? Iniisip ko lang naman kapakanan ni baby. Tsaka nung last sex kasi namin nagkanda sakit sakit ako tas naging magastos sa check up at gamot tas nagalit siya non kesyo napaka gastos daw. Kaya hindi na rin muna ko makipag contact mamaya mag tuloy tuloy yung sakit tapos sabihin ang gastos hehe.

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yung asawa ko nung 1st trimester makulit at mapilit. wala rin sya magawa pag ayoko. di sa ayaw nag iingat lang ako. kasi low lying placenta ako nung 1st trimester hanggang 5th month. sinama ko sya sa ultrasound, laboratories at check up para mas maintindihan nya yung pwedeng mangyari kapag pinilit namin mag sex ng low lying placenta ako. naintindihan nya naman. akala nya kasi nung una nag iinarte at wala lang ako sa mood. simula nun di na muna kami nagtalik. tas ngayon 36 weeks 1 time lang kami ulit ng talik ng asawa ko di na naulit mas nakakatakot daw kasi parang may nafefeel sya na weird sa loob 😂 tsaka na daw kapag malapit na ko mag labor tutal sabi naman daw ni doc na makakatulong yun para mas mapabilis paglabas ni baby.

Magbasa pa