Di pa nakakalakad

Hello mga mi, normal po ba na di pa nakakalakad ang 1 year and 1 month? Worried lang po as ftm. Pag nilalagay ko siya sa sahig takot na takot siya. Di niya ihahakbang mga paa niya kung di ko hawak mga kamay niya. Nakikita ko sa kanya na parang di talaga siya interested sa walking. Any advice po to encourage him to walk? Thanks 🙂

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

may kakilala ako na 1yo ang bata, same scenario. hindi naman worried ang mommy. parang takot daw maglakad pero nakikita ko naman na naglalakad sia basta may nakahawak. ako, pinag-walker ko ang 2 kids ko simula nung marunong silang umupo para ma-feel nila ang paglalakad. hindi sila tumagal sa walker kasi gusto na nila maglakad ng kanila. siguro, dahil makakapunta sila sa gusto nilang puntahan na walang hindrance ng walker. naglalakad sila sa gilid-gilid. then, practice solo walking from one parent to the other parent. nakalakad sila ng solo before 1yo.

Magbasa pa