Walang gana sa sex

Mga mi normal lang ba na walang gana si mister makipag sex simula nung nagka baby na. Active kami nung wala pa kaming anak pero simula nung nabuntis ako pinag bawalan na ng ob tapos nung lumabas na si baby sobrang dalang nalang mga once a month na lang, ako pa nag initiate. Wala naman siya kabit kasi hindi naman nagbago pakikitungo niya sakin at sabay kami pagpasok at uwi sa work, may access din ako sa phone. Inopen ko na sa kanya sagot niya sakin pagod sa trabaho at ayaw pa daw niya masundan si baby. May problem na kaya si mister? Kaya wala siya gana, minsan naisip ko painumin ng robust kung eeffect. Pls respect po. Thank you.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ipagpatuloy nyo lang po ang communication kay mister, pati ang paggamit ng robust ay sa kanya nyo rin po tanungin. Kung pagod sa trabaho, you can suggest trying it out on the weekends, or in the early morning. Kung ayaw pa masundan si baby, use condom or other contraceptives. Don't take it personally... Communication is the key ☺️ Just as may mga wifeys na nawalan nang gana, and asking for respect and understanding from their hubbys... we should give men the same consideration ☺️

Magbasa pa
2y ago

I'd say na pareho tayo ng situation but in reverse dahil ako nawalan ng libido. Reason ko rin ay pagod and probably hormones. Nagtampo rin mister, nagrereklamo na bakit dati ako pa nagi-initiate at may times na more than once a day pa. Sa akin naman, syempre nami-miss ko rin pero ano magagawa ko? Hindi pa ba enough yung mga ginagawa ko para sa family namin, etc. In the end, sex lang ba ang pinakamahalaga sa kanya? etc. etc... Maraming tampuhan sa simula, pero ok na kami ngayon and we're able to work it out and make a compromise through continuous open discussion ☺️ Kaya without any judgment and only with the intention to understand and solve the issue, pag-usapan nyo lang po na mag-asawa ☺️