Paano sasabihin?

hi mga mi, magandang umaga po 😁 meron ba dito same case saken? Naka bukod kame ni husband ng house both fully vaccinated kame. 15 minutes away lang ang family ko, walang vaccinated sa kanila, the reason is "wfh naman daw sila, di daw masyado nalabas ng bahay, takot sa side effects". Nagka co vid ang buong family ko way back 2020 pati husband ko kse don kame nakatira pa. Kaya din kame umalis dahil nagkaron na nga kame ng pagtatalo regarding sa case. Husband ko pa ang sinisisi na nagdala e hindi nga kame nalabas non. Brother ko ang nagdala dahil makulit sya ,lumuluwas pa sya thru bus kahit alam nya na sobrang dameng active case non. Concern ko lang, paano ko sasabihin sa family ko na baka naman pwede na sila magpa bakuna for the sake of their " first pamangkin at first apo" Buwan buwan ko na sila non sinsabihan na magpabakuna kse namamalengke pa din naman at nalabas pa din naman sila di pa ako preggy non. Ngayong preggy ako natatakot ako, paano ko na naman sila iaapproach regarding bakuna kung noon nagagalit na sila saken what more kung ulitin ko ulit? Mahina pa naman ang resistensya ng baby 😔 #1stimemom #advicepls

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sorry sis ako kasi naniniwala if ayaw madaming dahilan kapag gusto madaming paraan. Hindi mo sila pwd pilitin kasi rights nila yun. Ang solusyon dyan wag sila magpunta sainyo if ayaw mo tlaga mahawaan amg baby mo. total ang priority nyo is ung pamilya nyo ng hubby mo hnd na sila. Pero sa ngayon kasi hnd na naniniwala ang tao sa covid. Anak ko pinangank 2020 mula noon until now hnd nagfaface mask to kasi ayaw.Nagka covid na parents ko sa awa ng Diyos hnd nahahawa ang anak ko. Either wag mo sila papuntahin or punta sila pero dpaat make sure na wala silang sakit,naka face mask at no kiss/hug kay baby.

Magbasa pa