ilang months nag 4oz ang baby nyo?

hello mga mi. ilang months nyo binigyan ng 4oz si LO nyo? pwede na ba bigyan ng 4 oz ang 1 and half month na baby? para kasing nakukulangan na sya sa 3oz every 3 hours e.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

me too every 2-3 hours nagigising siya gusto niya dumedede, 3oz binibigay ko pero laging kulang sa kanya... kaya minsan ginagawa kong 3.5 oz kaso pagbisita ko sa pedia overweight na daw si baby😭 1.5 months 6kilos na siya😭 recommended niya 2 oz lang daw kahit every 2hours.. pag nanghingi pa si baby ihele hele ko lang daw until makatulog.. or pag hindi makatulog laruin ko si LO... minsan effective kaso minsan talaga nagtatantrum gusto pa dumede😅

Magbasa pa
2y ago

same mommy 1.5 months, 6.3 kilos na si baby.

hndi po pwde ang 4oz. ganyan ginawa ko nung una dahil nabibitin sya, akala ko pwede. ending nabunsol sya at nag suka ng marami. nung nag pa check up kami sa pedia, advise ng doctor is dpat 2oz, pwede 3oz pero huwag daw ihihiga agad si baby, antayin bumaba ang dinede. :) ihele mo nalang sya after dumede makakatulog ulit yan or laruin mo para malibang. :)

Magbasa pa
2y ago

thankyou mi ☺️ stay na lang muna kami sa 3oz ni baby.

ganyang edad po is hndi pa po alam ng baby na busog na sila kaya dede lng ng dede, akala nyo gutom pa pero wala pa po kasi silang ibang alam gawin kundi dumede at yun lng din po libangan nila. kaya need pong libangin paghumingi ng dede.basta alm na enough na yung nadede nya.

same tayo mi 4oz din si baby 1 and a half month minsan after 1 hour magigising sya parang gutom ulit kaya ginagawa ko ihehele ko na lang hanggang makatulog ulit😅 pero 3-4 hours bago sya magdede ulit hehe

2y ago

tama yan mi. mahirap na rin ma overfed si baby.

ano weight n ng baby mo?sa lo ko nung nag 6in1 vaxx xa nung oct. 29 ang timbang nya 5kgs tas height nya 58cm. sabi ng pedia nya oks nman daw weight

baby ko po 1.5 months na din, minsan po ginagawa ko na din 4oz kasi kulang n din kay baby eh 😅

2y ago

sakin din po 1.5 months na din sya, 4 oz pinapadede ko pero ang ginagawa ko pag nakakalahati na sya ng bottle, pinapaburp ko muna bago ko ipaubos sa kanya tapos burp ulit.

Baby ko po ia baby boy kaya nung nag 1months sya ginawa konang 4oz yung gatas niya

2y ago

hindi po ba sya overweight? masyado daw po marami yun para sa 1month baby e

ano po sign pag nakukulangan sa dede baby nyo?

2y ago

iyak po sya ng iyak kahit ihele tapos nganga nang nganga pag nadidikit sa akin.