Di natutulog si baby

Mga mi. Baka may tips kayo pano patulugin si baby. Tuwing hapon halos gising siya hanggang gabi. Matutulog man paunti unti lng tapos less than an hour. Pag sa gabi naman tulog, gigising lang para dumede. Mixed feeding siya ever since. Pagkabangon namin sa umaga until gabi bago matulog bottle fed. Then pag gabi, breastfed. Tinry ko i breatstfeed sa araw kasi baka ginagamit niya din soother dede ko kaya laging tulog na tulog pag gabi pero ganun pa din. Tried swaddling na din pero wala talaga. May mga days na nakakatulog siya ng matagal sa araw pero wala naman kami ginagawang bago. As in natataon lang talaga. Ke buhat o hindi, yung sleep time niya sa araw varies din so I cant tell kung mas gusto niya lang buhat vs. hindi. Kaka-2 months lang niya.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan talaga mi... madalas pang gising sa gabi kasi wala pa sila nakikita... pero unti unting tatama din ang tulog nila .. mag dim ka din ng light pagmatutulog na kayo para nasasanay siya .. tas bawas ka sa kape mami kung nakakape ka tas breastfeeding ka.. hihi..

try nyo po magpatay ng ilaw. yung baby ko kaso ganun ginawa ko. simula non magkaroon,na sya ng eoutine na pag madilim,na ang kwarto is tulog time na kayya nakakatulog sya mahimbing

11mo ago

totoo po ito dati di kami nagpapatay ng ilaw kasi lagi sinasabi ng mga matatanda na dapat lagi daw bukas ilaw sa baby para di makuha ng engkanto hehe. pero nung sobrang grabe na yung pamumuyat ni lo tinry na namin yung pagpatay ng ilaw pag gabi at ayun parang magic ang haba na ng tulog nya nakabawi na rin ng tulog sa wakas hehe

sakin momsh, pagkapaligo nya, nakakatulog na after cguro dahil narerelax sa warm water. nagpplay din kami ng lullaby and dim light ang room.

Ganun din Ako mi mag hapong gsing ginagawa ko nilalaro ko para nya parang bycle tapos swaddle Po sya

11mo ago

HAHAHA yun lang talaga

mas ok nga po Yun mi tulog sya sa Gabi ...

12mo ago

Opo sana kaso wala ako nagagawa sa araw mi e kasi gusto nya din karga siya lagi 😭

TapFluencer

ff