Gising sa araw

Paano po kaya mapapatulog si baby ng tuloy tuloy kahit 1 hr to 2 hrs lang. Pag araw kasi gusto niya lang mag play ng mag play and then pag napagod siya matutulog na siya pero parang 20-30 mins lang tapos gising nanaman. Hindi kami puyat sa gabi kasi 7pm palang tulog na siya and 6am naman siya gigising. Yong araw lang talaga, hindi siya tuloy tuloy nakakatulog. Maingay man o tahimik 😅 baka may tips po kayo para matulog si baby ng tuloy tuloy. By the way naka duyan siya pag araw.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Sapat at mahaba rin naman po kasi tulog nya sa gabi. If hahabaan po ang tulog nya sa araw, expect nyo po na mas iikli naman tulog nya sa gabi.

Post reply image