32 weeks sign na po ba ng labor?

Hello mga mi ask ko lang kung sino same ko dito ng nararamdaman na lagi naninigas ang bandang puson tapos parang napopoo ka? Tapos yung balakang ko talagang lagi masakit kaya di na rin ako masyado makakilos at makayuko😢 Tatakot po ako kasi baka bigla ako mag labor e 32weeks palang si baby sa loob ng tummy ko.. thank you sa mga makaka pansin❤️

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

aww. normal po yan mumsh. pahinga ka pag bigla mo naramdaman yan. ibig sabihin ata napapasobra na likot natin. pero wag masyado kabahan. basta regular ka naman na check up ng OB mo at sinusunod mo mga bilin nya.