Breast Milk

Hi mga mi ask ko lang if yung mga na pump ko na gatas is ilagay sa bote at ipadede kay baby? Kasiayaw nyasa nipple ko🥺 pero ang dami kong gatas, triny ko talaga isanay sa nipple ko pero ayaw nyadisya kumportable 1week old na sya today sana may makasagot sa tanong ko maraming maraming salamat!

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mi. yes po pwede naman mag pump ka. ganyan din baby ko mii. first time mom kasi ako, 5days old sya nung follow up check up namin we found out na tounge-tied pala sya kaya hindi sya maka latch sa akin. At additional pa na inverted pala nipple ko. hehe hanggang sa nasanay na lang si baby sa bottle. nag pump ako until 9mos sya. hanggang sa unti-unti nang humina gatas ko kasi nga hindi sya direct latch sa akin. check mo mii baka tounge tied din si baby mo.

Magbasa pa

mi kung ang goal mo is to breastfeeding your baby better latch directly mi baka lang may gusto si baby na position ir check mo ang latching niya I suggest consult a Breastfeeding advocate na doctor to guide you. Sayang kasi ang milk mo kung madami kasi naka base ang demand ng milk natin sa babies natin kaya hihina ang supply mo kahit nag pupump ka kasi si baby ang best na mag stimulate ng milk natin

Magbasa pa

Ganyan din si baby ko noon. Na win back ko po siya sa direct latching. Ilang days din po ng patience ate dedication. I was about to give up po tapos pag try ko ayon na po dumede na po. Ayaw niya na ngayon sa bottle feeding mas gusto na po sa akin dumede. Turning 6 months na po si LO. keep on trying lang po.

Magbasa pa

yes pwede yun. ganun ginawa ko nung first weeks ni baby kasi di siya makalatch sa nipple ko dahil flat ang nipple hahahaha. pero few weeks later direct latch na si baby saakin and nagstop nako mag pump.

may ganon pala, ang alam ko mas gusto ng baby ang dede ng nanay dahil mas malambot kaysa sa feeding bottle. baka naman hindi sa nipple mo siya may problem try mo kunin ang posisyon na gusto niya.

try mo po padedein si baby sa nipple mo habang hinehele mo para masanay

pwede naman yun ang importante mafeed mo si baby ng breastmilk mo.

2y ago

ayos lang po yan mamsh. pero try mo pa din i pa latch si baby sa nipple mo.. masasanay din po sya. sabi mo nga madami ka gatas cguro nag ooverflow lang po yan kaya po di po sya kumportable..

pilitin molang magugustuhan din ni baby mo yan

Try niyo po ibang bottle.