Pa labas lang ng saloobin
Hi mga mhie. Ako lang ba nakakaramdaman sa sarili walang kwenta sa buhay . I mean Simula kasi nabuntis ako Umaasa ako Sa Asawa ko Sa lahat ng bagay. kundi sa asawa ko sa pamilya ko dahil wala kaming sapat na ipon para sa pag bubuntis ko. Sumasabay pa pagiging ma pride ko ewan koba dahil bato sa pagiging buntis ko O sadyang ganito lang ako. Ngayon 33 weeks nako . hindi padin ako nakakabili ng gamit ng baby ko. ni ipon wala kami dahil yung sahod ng asawa ko kahati ko pamilya nya. iniisip ko san ako kukuha ng ganito ganyan. Sa maliit na bagay nanliliit ako 😞 Minsan naiisip ko na sana hindi pa ko nabuntis diko siguro mararamdaman yung ganito. na keso ang taba ko. pabaya ako sa sarili 😔 Hindi ko alam minsan din na isip ko na sana pag labas ng bata sa tyan ko mag karoon ng komplekasyon sakin at yung bata lang yun mabuhay . Napapagod nako sa ganito pakiramdam . Hindi kona alam gagawin ko gabi gabi akong nag brebreakdown ni wala ako masabihan . baka pag nasabi ko sa asawa ko sabihin nag iinarte lang ako. 😔