#MomsHonestAnswer

Mga mamshie! May tanong ako pero honest answer please. Sumagi ba sa isip niyo kahit isang beses na maging dalaga na lang ulit? O 'yung tipong namimiss niyo lang ang buhay niyo dati noong wala pa kayong anak at asawa? Kung oo, bakit?

62 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yes.. but, hindi ko mSyadong iniisip. kapag dumalas ang ganung pag iisip, nagiging reason yun para magkaroon ng frustration, lalo na kung hindi ka pa handa sa responsibilidad. o nag eexpect ka ng malafairytale na happy ending. Sa experience ko, bgo kami naging mag asawa ng hubby ko, senet ko ang mindset ko na once nag asawa ako, hindi ko na magagawa lahat ng gusto ko, enexpect ko na hindi madali ang buhay may asawa, na hindi puro saya o sarap, na magkakaroon ako ng reponsibilidad. Kung nagsisisi tayo, minsan implikasyon yun na hindi pa pala tayo handa mag asawa. ang pag aasawa eh HINDI lang tungkol sa sex. habang buhay na commitment iyon. kung nakakaexperience man tayo ng pagsisisi dahil nkajackpot tayo ng konsumisyon na lalaki, o nahihirapan sa gastos o pagpapalaki ng anak, mas mainam na mag isip tayo ng solusyon hindi magfocus sa problema. kung frustrated tayo, maaring maging reason na mag isip tayo ng negative things. Nasa atin kung eenjoyin natin o pagsisikapan natin gawing maganda ang buhay may pamilya.. focus tayo sa mga blessings.. Pinakaimportante, isali nyo po ang Diyos sa buhay nyo.. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

Yes kasi 19 years old ako when I had my first baby. Syempre nandun lahat ung tipong gusto mo bumalik sa past para maayos mo at makaiwas ka dun. Nagstop ako ng pagaaral pero after giving birth sa first born ko, nagaral ako ulit and nakagraduate. Nagkaron ng work as a call center agent, pero syempre ung pera na sahod mo may paglalaanan since ung tatay ng anak ko wala naman kwenta, I raised my son on my own. Ung tipong iniisip ko na sana ung pera ko sakin lang to kung wala akong anak. Pero syempre pag naiisip ko yan, iniisip ko rin ung anak ko. Ung first time ko siya nakita, nahawakan. As of now iniisip ko, tong batang to, sakin pa umiikot ung mundo neto, kaya dapat to pahalagahan ko. Binigay to ni God in a purpose. Sa ngayon dalawa na anak ko, ung second baby ko is with my co worker sa dati kong company. Masaya naman kami and tanggap niya ung baby ko nung una. Kapit lang talaga kay God. Di ka Niya pababayaan. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

For me yes.Kinasal ako at a very young age of 18 years old. Namimiss ko maging dalaga. Mali pa yung naging desisyon ko na magpakasal agad because nabuntis ako ng maaga. Sana di ako nagmadali dahil ngayon parang impyerno ang buhay ko sa asawa ko at sa mga inlaws ko. Ang tanging nagpapasaya at nagpapalakas nalang sakin ngayon ay ang anak ko. Lalaban ako para sa anak ko. Pinagsisisihan ko man na kinasal ako ng napaka aga pero ang hinding hindi ko pagsisisihan ay ang aking anak. Napapaisip din ako siguro kung naging single mother ako baka maging mas masaya pa ako kahit na magisa lang ako nagaalaga sa anak ko.

Magbasa pa

may time na naiisip ko yun pero mas thankful ako na nagka anak ako. dati kasi na set na sa utak ko na kala ko di ako magkaka anak dahil sa PCOS ko so nag eenjoy nalang talaga ako party everywhere, inom inom, lamon lang ng lamon and bili ng kahit ano just for myself. Pero bigla nabago lahat nung nalaman namin ng partner ko na buntis ako. Been together for 7 yrs bago kami nakabuo. And sobrang nagpapasalamat kami. iniisip ko nalang lalaki dn yung anak ko and soon maaasikaso ko ulit sarili ko ๐Ÿ˜Š pero ngayon sya muna dahil minsan lang sila maging baby

Magbasa pa

To be honest, not really... The family I'm having now is the greatest blessing that God has given me. ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘ง I have a loving, responsible and reliable husband and we're blessed to receive our precious blessing soon. We also have a very protective and clingy Golden Retriever (Yes, I consider our dog as part of family. In fact, I consider him as my FurSon who will be a big brother to my upcoming princess). With this, why would I wish to be single again when I'm more than happier with my married life. ๐Ÿฅฐ

Magbasa pa
VIP Member

namimiss ko buhay ko noon, pero I can say na 'okay na yun at time ko naman para palakihin itong chikiting ko' Marami na akong na experienced kahit bata pa, travel intl, work intl, graduated college, wfh, mag walwal, mag extra... haha! mas fulfilling kasi na matupad ung mga dreams mo na mas inspired ka. mas may rason para makamit lahat yun. at mas masaya yun may katuwang sa buhay kasi hindi mo mararamdaman na alone ka. grateful ako sa husband ko, lalo na sa family na binuo naminโค๏ธ

Magbasa pa

sometimes na iisip ko n sana dalaga n lng ako ulit.pero pag nkikita ko mga anak n papaisip din ako.mas matimbang n may anak nko ngayon nkikita kung anu itsura ko at ugali ko sa knila at cla yung pinka magandang blessing na dumating sa buhay kht mahirap lng ang buhay..basta may pamilya ako matatawag at samasama kmi sa hirap at ginhawa hnd kona mawawala n lng sa isip ko bigla n sana dalaga n lng ako ulit sila yung happiness at life ko ...kya proud ako bilang ina sa knila...

Magbasa pa

nag-enjoy n kasi ako sa pagkadalaga, i've been in many places (here and abroad) experienced so much, finished my studies, and worked, met a lot of people, kaya nasabi ko sa sarili ko na nagsasawa na 'ko umuwi sa bahay ng walang naghihintay. Kaya nag-asawa na ko at nagbuntis, gusto ko naman iupgrade ang sarili ko. Gusto ko magmahal ng sobra at mahalin din pabalik ng magiging anak ko, at for me, yun ang pinakamagandang experience.

Magbasa pa
VIP Member

first time mom ako kaya nd ko naiisip yan.. parang ansaya ko pa at ito na magpapamature pa sakin ang maging risponsibilidad sa anak, ang palakihin syang may manners at respeto sa kapwa.. naeexcite lang ako sa ngayaon ewan kong magbabago pagtumagal. kung usapang magjamming jamming wala naman problema samin nang ka live in ko since nererespeto namin ang minsan na pagjamming jamming sa barkada.

Magbasa pa

Hindi,. pinagsawaan na namin parehas mag asawa ang stage na yan bago kami humantong sa ganitong bagong stage naman๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜๐Ÿฅฐ hihihi ang happy lang kasi nagawa namin lahat ng mapagpapasaya sa sarili namin kasama yung mga kaibigan, tropa at kung sino pa, and siguro ngayon ito yung time namin para din sumaya sa sarili naming binubuong pamilya. We're very excited to our baby ๐Ÿ‘ถ๐Ÿ˜š #5mnths

Magbasa pa