#MomsHonestAnswer

Mga mamshie! May tanong ako pero honest answer please. Sumagi ba sa isip niyo kahit isang beses na maging dalaga na lang ulit? O 'yung tipong namimiss niyo lang ang buhay niyo dati noong wala pa kayong anak at asawa? Kung oo, bakit?

62 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes kasi 19 years old ako when I had my first baby. Syempre nandun lahat ung tipong gusto mo bumalik sa past para maayos mo at makaiwas ka dun. Nagstop ako ng pagaaral pero after giving birth sa first born ko, nagaral ako ulit and nakagraduate. Nagkaron ng work as a call center agent, pero syempre ung pera na sahod mo may paglalaanan since ung tatay ng anak ko wala naman kwenta, I raised my son on my own. Ung tipong iniisip ko na sana ung pera ko sakin lang to kung wala akong anak. Pero syempre pag naiisip ko yan, iniisip ko rin ung anak ko. Ung first time ko siya nakita, nahawakan. As of now iniisip ko, tong batang to, sakin pa umiikot ung mundo neto, kaya dapat to pahalagahan ko. Binigay to ni God in a purpose. Sa ngayon dalawa na anak ko, ung second baby ko is with my co worker sa dati kong company. Masaya naman kami and tanggap niya ung baby ko nung una. Kapit lang talaga kay God. Di ka Niya pababayaan. 😊

Magbasa pa