iyakin si baby

Mga mamshie d ko na alam.gagawin ko sobrang iyakin ni baby mapa umaga o gabi ginagawa ko naman lahat para d na sya umiyak she is 18days old ??? minsan naiinis nako at naiiyak kasi d ko na alam gagawin ko

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ok lang yan mamsh normal lang yan lalo sa newborn.. Ganyan din newborn ko nun iyak ng iyak at may times na naaasar ako dahil d ko alam kung ano gusto niya naiiyak nalang ako dahil feeling ko d ko siya naaalagaan ng maayos. Pero ngayon napag aaralan ko na kung ano mga gus2 nya, di pala siya nasasatisfy sa gatas ko dahil mahina ang gatas ko kaya minix feed ko nalang siya. Ang ginagawa ko after nya mag dede sakin papadedein ko pa siya ng formula para mabusog. Ayun di na siya iyakin, iiyak nalang pag nag poop, or gutom. Tayo talaga ang mag aadjust sakanila. Normal lang na d pa natin malaman kung ano mga gus2 nila dahil parehas ang nanay at baby na nag aadjust palang

Magbasa pa
5y ago

Formula milk po kasi ako mamshie

Ok lang yan mamsh. Magbabago din yan. Ganyan din si LO ko nung first 2mos nya. Buti nalang me kapalitan ako sa pagkarga. Halos lahat nagawa na namin. Ultimo ung pagbisita sa sementeryo sa mga lolo nyang nakalibing para daw ipakuha yung toyo. Tapos ung pagbenta kay baby (hahanap ka ng bbli sa knya bayad piso. Para daw mawala ung mga toyo and di sakitin). Matandang kasabihan. Hehe Ngaun 3 mos old n siya. Hindi na masyadong iyakin. Naiiwan na siyang nakahiga sa crib tinititigan ung toys nya. Nakikipaglaro na din :) Onting tiyaga lang mami 🤗🤗🤗

Magbasa pa

Momshie baka nagugutom or giniginaw. Yung baby ko hindi siya iyakin. Binabati siya ng mga tao na hindi nga daw iyakin. Ginagawa ko is every 2-3 hrs oras ng feed niya. Every 4-6 hrs diaper change. Kapag umiyak siya kakargahin ko siya. Bubulungan ko na “Mommy is here, everything is okay” madalas kami mag skin to skin. Sa ganyan age nag aadjust palang sila. Better na mag skin to skin kayo to make your baby feel you warm body and ma secure siya.

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan dn po baby ko..pro ngayon mejo hnd na..2mos n po cia ngaun..ang gnagawa ko nun pag umiiyak cia kakargahin ko cia tpos yayakapin ko at sasabhin ko "andto si mommy baby.".gaya po nung sa isang comment..totoo effective po..tpos kinakantahan ko cia.gnyan dn ako noon..umiiyak ako kasi prang wala akong mgagawa pro mababago p pla un..kaya mo po yan.tyagaan lng.and be happy for your child po.ipramdam mo lage n masigla and happy ka😊

Magbasa pa

Ganyan dn anak ko first two days nya. I just found out na di lang pala sya nabunusog sa breastmilk ko kaya iyak sya ng iyak. Nung nakakapagproduce na ako ng marami-taming gatas, nakukuntento na sya at diretso na tulog nya. Iiyak nlng sya pag gutom or magpoops.. Observe mo lang anong need nya ..wag mo sukuan, yan lang kc talaga way nila para mag express ng discomfort..

Magbasa pa

Same case here.. Simula po kninang madaling araw gang ngaun. Iyak din ng iyak baby ko. Hndi ko din alam kung my masakit ba or what. Hndi nman gutom. Ok nman diaper.. Pg nktulog nman pg nilagay ko na sa crib maya maya iyak na nman. Syempre ako kakargahin ko. Hayyy.. Hndi ko ndin alam gagawin ko.. 😔

sa umpisa lang yan sis nagaadjust pa kasi c baby nung nag2mons lo ko hindi na sya iyakin iiyak lang pagdede, pag d makatulog ng maayos at may masakit.. part ng pagiging nanay yan pero pag nakikita mo na sya ngumingiti at nakakausap mo na sya matutuwa kana na paranag ayaw muna malayo sknya

Sis bago palang kasi si baby. Baka di pa sya nakakaadjust. Imagine mo 9months sya nasa madilim at masikip. Baka namimiss nya kayo. Clingy kasi talaga mga baby. Yakapin nyo po. Higa sa dibdib nya ganun. Or pwede din gutom, basa diaper at kinakabag.

VIP Member

pabago bago dw po tlga sbi din sakin ng papa ko noong inaalagaan dw nila kmi. yng tipong khit nacheck mo na lahat ng maari nyang prob umiiyak padin. Minsan pinagppray ko nlng na hndi sana topakin mmya gabi si baby ganun hehe

Magbabago din naman yan yung baby boy ko sobrang iyakin pero unti unti nababawasan now that his 7 month old iyakin pa rin siya pero pag nagugutom or inaantok lang. dapat mahaba lang pasensiya mo.. 😊